Halimaw ng Loch Ness
Halimaw ng Loch Ness | |
---|---|
Dibuho ng halimaw ng Loch Ness habang tinutugis ang isang namamangka. | |
Nilalang | |
Pangalan: | Halimaw ng Loch Ness |
Kilala rin bilang: | Nessiteras rhombopteryx, Nessie, Niseag (Gaelikong Eskosesa), Ang LNM o Lock Ness Monster (Ingles) |
Klasipikasyon | |
Grupo: | Cryptid |
Sub-grupo: | Halimaw ng laguna |
Mga datos | |
Unang ipinahayag: | 565 (retrospektibo),[1] 1933 (koronolohikal) |
Huling nakita: | 2007 |
Bansa: | Eskosya |
Rehiyon: | Lagunang Ness |
Habitasyon: | Tubig |
Katayuan: | Hindi napatutunayan |
Ang Halimaw ng Loch Ness ay pinaniniwalaang isang hayop, na hindi pa naibibilang sa isang pamilya o uri, ngunit sinasabing naninirahan sa Loch Ness (Gaelikong Eskosesa: Loch Nis, o Lagunang Ness) ng Eskosya. Isa ito sa pinakakilalang mga hayop na pinagaralan ng kriptosoolohiya. Nawawala at bumabalik ang paniniwala at interes sa hayop na ito sa loob ng mga taon magmula pa noong mapansin ng mundo ang hayop na ito noong 1933. Pakuwento lamang o anekdotal ang mga ebidensiya ng pagkakalalang sa halimaw na ito, na may kaunti at pinagtatalunang litratong materyal at mga pagbasang ginamitan ng aparatong sonar: walang anumang pisikal na pagpapatunay (katulad ng labi o bakas ng mga buto o kalansay, pagkahuli ng buhay na hayop, o kaya mga halimbawa ng mga tisyu) na natutuklas hanggang sa kasalukuyan. Mapagmahal na tinatawag na Nessie ang halimaw ng mga katutubong mamamayan, at maging ng mga tao sa buong mundo nang lumaon, mula pa noong mga dekada ng 1950. Isa itong pangalang nagmula sa Gaelikong Eskosesang "Niseag".
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Halaw ang petsa mula sa pinakamatandang nasusulat na sanggunian na naglalahad tungkol sa halimaw sa Lagunang Ness, ang Life of St. Columba, Buhay ni San Columba (kabanata 28).