Pumunta sa nilalaman

Talasalitaang Sino-Koreano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hanja-eo)

Ang talasalitaang Sino-Koreano o Hanja-eo (Koreano한자어; Hanja漢字) ay tumutukoy sa mga salitang Koreano na nagmula sa Tsino. Kabilang sa talasalitaang Sino-Koreano ang mga salitang hiniram nang tuwiran mula sa wikang Tsino, pati ang mga bagong salitang Koreano na nagmula sa mga Tsinong titik. Halos 60 bahagdan ng mga salitang Koreano ay nagmula sa Tsina;[1] subalit, tinatantiya na mas mababa ang bahagdan ng mga salitang Sino-Koreano sa modernong paggamit.

Nagmula ang paggamit ng Tsino at Tsinong titik sa Korea sa 194 BCE o mas maaga pa. Habang laganap ang paggamit ng mga salitang Sino-Koreano noong panahon ng Tatlong Kaharian, lalong sumikat ang mga ito noong panahong Silla. Sa panahong iyon, pinalitan ng mga lalaking aristokrata ang kanilang ibinigay na pangalan ng mga pangalang Sino-Koreano. Bilang karagdagan, pinalitan ng gobyerno ang lahat ng mga opisyal na titulo at pangalan ng lugar sa bansa ng Sino-Koreano.[1]

Nanatiling popular ang mga salitang Sino-Koreano noong mga panahong Goryeo at Joseon.[1] Gayunman, lumalaki pa rin ang bokabularyong Sino-Koreano sa South Korea, kung saan ginagamit ang mga kahulugan ng mga Tsinong titik para makalikha ng mga bagong salita sa Koreano na hindi umiiral sa Tsino. Samantala, ang patakarang Hilagang Koreano ay nanawagan ng pagpapalit ng maraming salitang Sino-Koreano sa mga katutubong salitang Koreano.[2]

Bumubuo ang mga salitang Sino-Koreano ng halos 60 bahagdan ng bokabularyo sa Timog Koreano, ang natitirang bilang ay mga katutubong Koreanong salita at mga salitang hiram mula sa mga iba pang wika, karamihan mula sa Ingles. Karaniwan nang ginagamit ang mga salitang Sino-Koreano sa mga kontekstong pormal o pampanitikan,[3] at para ipahayag ang mga ideyang abstrakto at kumplikado.[4] Halos lahat ng mga apelyidong Koreano at karamihan ng mga unang pangalan sa Koreano ay Sino-Koreano.[1] Bilang karagdagan, maihahayag ang mga Koreanong bilang ng mga salitang Sino-Koreano at katutubong Koreano, ngunit magkakaiba ang mga layunin ng bawat kalipunan ng mga bilang.[4]

Maaaring nakasulat ang mga salitang Sino-Koreano sa alpabetong Koreano, kilala bilang Hangul, o sa mga Tsinong titik, kilala bilang Hanja.[5]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga salitang hiniram mula sa Tsino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga salitang Sino-Koreano na tuwirang hiniram mula sa Tsino ay pangunahing nagmumula sa mga Tsinong klasika, panitikan, at kolokyal na Tsino.[2]

Salita Hangul (RR) Hanja Kahulugan ng hanja Sang
mga magulang 부모 (bumo) 父母 "tatay nanay" [6]
estudyante 학생 (haksaeng) 學生 "mag-aral estudyante" [7]
araw 태양 (taeyang) 太陽 "dakilang liwanag" [8]
tanong 질문 (jilmun) 質問 "sanligan magtanong" [9]

Mga salitang inilikha mula sa Tsino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilikha ang mga sumusunod na salitang Tsino sa Korea. Hindi ginagamit ang mga ito sa Tsino, Hapon, o Biyetnam.

Salita Hangul (RR) Hanja Kahulugan ng hanja Sang
sulat 편지 (pyeonji) 便紙 "komportable papel" [10]
kawa 주전자 (jujeonja) 酒煎子 "uminom pakuluan" [11]

Mga salitang hiniram mula sa Sino-Hapones

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit lamang ang mga salitang Sino-Koreano na hiniram mula sa sino-Hapones sa Koreano at Hapones, hindi sa Tsino.[2]

Salita Hangul (RR) Hanja Kahulugan ng hanja[1] Sang
eroplano 비행기 (bihaenggi) 飛行機 "lumipad pumunta makina" [12]
pelikula 영화 (yeonghwa) 映畫 "magningning larawan" [13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Sohn, Ho-Min (2006). Korean Language in Culture And Society [Wikang Koreano sa Kultura At Lipunan] (sa wikang Ingles). University of Hawaii Press. pp. 44–55. ISBN 0824826949.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Lee, Peter H. (2003). A History of Korean Literature [Isang Kasaysayan ng Panitikang Koreano] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 21–25. ISBN 1139440861.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Choo, Miho (2008). Using Korean: A Guide to Contemporary Usage [Paggamit ng Koreano: Isang Gabay para sa Kontemporaneong Paggamit] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 85–92. ISBN 978-1139471398.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Byon, Andrew Sangpil (2017). Modern Korean Grammar: A Practical Guide [Modernong Balarilang Koreano: Isang Praktikal na Gabay] (sa wikang Ingles). Taylor & Francis. pp. 3–18. ISBN 978-1351741293.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Choo, Miho; O'Grady, William (1996). Handbook of Korean Vocabulary: An Approach to Word Recognition and Comprehension [Hanbuk ng Talasalitaang Koreano: Isang Pamamaraan sa Pagkilala sa Salita at Pagkaunawa] (sa wikang Ingles). University of Hawaii Press. pp. ix. ISBN 0824818156.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "父母". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "學生". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "太陽". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "質問". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "便紙". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "酒煎子". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "飛行機". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "映畫". Naver Hanja Dictionary (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2018-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)