Pumunta sa nilalaman

Hans Lee

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hans Lee
MamamayanPilipinas
Trabahoartista

Si 'Hans Lee' ay isang artista sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga napiling maging grand finalist mula sa libo libong nag audition sa bansa sa Search For The Star in A Million. Hindi man pinalad na manalo sa nasabing lahok, siya ay naging matagumpay sa larangan ng pag awit at pagganap sa entablado gaya ng Klownz, Zirkoh, at ilan pang nangungunang lugar panglibangan ng Pilipinas.

Kahit bago pa ang Search for the Star in a Million, lumahok na at nakapag uwi na ng karangalan sa bansa sa larangan ng pag awit si Hans Lee. Noong 2002 isa siya sa kinatawan ng ACE International Student Convention na ginanap sa Arizona, Estados Unidos, hindi binigo ni Hans ang bansa ng iuwi niya ang medalyang sa ika-13 posisiyon laban sa humigit kumulang 80 na bansang kalahok.

Si Hans Lee din ang umawit sa ilang awiting ginamit na pang kampanya ng ilang politiko noong nakaraang eleksiyon noong 2007. Maririnig din ang tinig niya sa mga patalastas sa telebisyon at radyo.

Siya rin ang nag remake ng awiting pinasikat ng Guys Next Door noong dekada '90 na I've Been Waiting For You na isinama sa Search For the Star in A Million The Album sa ilalim ng Star Records.

Mga pelikula at palabas sa telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Umulan Man O Umaraw - GMA 7 (2000)
  • Kay Tagal Kang Hinintay - ABS-CBN 2 (2002)
  • CLICK - GMA 7 (2002)
  • Berks - ABS-CBN 2 (2003)
  • Star Studio Presents: Carwash - ABS-CBN 2 (2003)
  • Search for the Star in a Million - ABS-CBN 2 (2005)
  • Road to Stardom - ABS-CBN 2 (2005)
  • ASAP - ABS-CBN 2 (2005)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.