Hansel and Gretel
"Sina Hansel at Gretel" na kilala rin bilang Handsel at Grettel o Handsel at Grethel (Aleman: Hänsel und Gretel (Hänsel und Grethel)[a] [ˈhɛnzl ʔʊnt ˈɡʁeːtl]) ay isang Aleman na kuwentong bibit, na naitala ng Magkapatid na Grimm at nailimbag noong 1812 bilang bahagi ng Mga Kuwentong Bibit ng Grimm (KHM 15). Kilala rin ito bilang Little Step Brother and Little Step Sister (Filipino: Ang Mga Munting Magkakapatid sa Tuhod).
Sina Hansel at Gretel ay isang magkakapatid na iniwan sa gubat at napunta sa kamay ng isang bruhang nakatira sa bahay na gawa sa gingerbread, keyk, at kendi. Ang bruha, na may mga intensiyong makakanibal, ay may balak na patabain si Hansel bago siyang kainin. Gayunman, iniligtas ni Gretel ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pagtulak sa bruha patungo sa kaniyang sariling oven, na itong pumatay sa kaniya. Nakalaya ang magkakapatid nang dala ang kayamanan ng bruha.
Nakapook sa Alemanya ng gitnang panahon ang "Hansel at Gretel," at naiangkop sa iba't ibang midya. Kabilang dito ang operang Hänsel und Gretel ni Engelbert Humperdinck, na unang itinanghal noong 1893.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ In German, the names are diminutives of Johannes ("John") and Margarete ("Margaret"), respectively