Hantik
Ang mga Hantik o berdeng langgam ( genus Oecophylla ) ay insekto ng pamilya Formicidae (order Hymenoptera ) at sumusunod sa pinakamataas na klase ng organisadong lipunan (eusocial). Dahil obligado silang arboreal, nakatira ang mga berdeng langgam sa mga puno at kilala sila para sa kanilang kakaibang ugali ng pagbubuo ng pugad kung saan naghahabi sila ng mga dahon gamit ng sutla ng larba.[1] Ang mga kolonya nito ay maaaring maging napakalaki na binubuo ng higit sa isang daang pugad na sumasaklaw sa maraming puno at naglalaman ng higit sa kalahating milyong manggagawa. Tulad ng maraming iba pang uri ng langgam, ang mga Hantik ay nangangaso ng maliliit na insekto at kumakain ng honeydew na puno ng carbohydrates na inilalabas ng mga insektong Hemiptera. Malinaw na nagtatanghal ang mga manggagawang Hantik ng dalawang kalakaran na pamamahagi ng kalakihan na halos walang magkakapatong sa kalakihan ng mga menor at mayor na manggagawa.[2][3] Ang kahabaan ng mga manggagawang mayor ay mga 8–10 mm (0.31–0.39 in) at ang mga menor na manggagawa ay humigit-kumulang kalahati ng haba ng mga manggagawang mayor. Ang mga manggagawang mayor ay naghahanap, nagtatanggol, nagpapanatili, at nagpapalawak ng kolonya samantalang ang mga menor na manggagawa ay kadalasang nananatili sa loob ng mga pugad kung saan inaalagaan nila ang mga supling at ‘ginagata’ ang mga insekto sa loob o malapit sa mga pugad.
- ↑ Rastogi, N (2011). "Provisioning services from ants: food and pharmaceuticals" (PDF). Asian Myrmecology. 4: 103–120.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weber, NA (1946). "Dimorphism in the African Oecophylla worker and an anomaly (Hym.: Formicidae)" (PDF). Annals of the Entomological Society of America. 39: 7–10. doi:10.1093/aesa/39.1.7.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson, Edward O. & Robert W. Taylor (1964). "A fossil ant colony: new evidence of social antiquity" (PDF). Psyche. 71 (2): 93–103. doi:10.1155/1964/17612. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2020-08-29. Nakuha noong 2022-12-08.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)