Pumunta sa nilalaman

Hapdi pagkatapos manganak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang after-pains (literal na "mga pananakit pagkalipas [ng panganganak]" o "hapdi pagkaraang manganak" o "hapdi pagkapanganak") ay ang katawagang Ingles para sa hapding nararamdaman sa loob ng dalawa o tatlong mga araw pagkatapos na makapanganak ang isang babaeng nagbuntis. Ang katangian ng sakit, bagaman hindi grabe, ay katulad ng sakit na nararamdaman habang nanganganak. Sa pangkalahatan, dahil ito sa pagkakaraoon sa sinapupunan ng natitirang mga bahagi ng inunan o membrano o kaunting namuong dugo (mga blood clot). Dapat na tawagin ang pansin ng duktor kapag napuna ang pagkakaroon ng ganitong pananakit. Karaniwang nakapagpapaalis ng sakit ang paggamit ng langis ng kastor sa ikatlong araw, subalit kapag malubha ang hapdi maiibsan ang pananakit sa pamamagitan ng paglalapat ng maiinit na mga tapal na turpentino (mga hot turpentine stupe) sa puson, o sa pamamagitan ng paggamit ng dutsang antiseptiko (antiseptic douche).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "After-pains". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 21.