Pumunta sa nilalaman

Hardin ng Mehan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hardin ng Mehan

Ang Hardin ng Mehan ay isang parke na nasa Lungsod ng Maynila sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan malapit sa munisipyo ng Maynila.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa loob ng Hardin ng Mehan
Sa loob ng Hardin ng Mehan
Monumento ni Emilio Jacinto sa Hardin ng Mehan

Itinatag ang Hardin ng Mehan noong 1858 ng mga awtoridad na kolonyal na Kastila bilang hardin na botanikal.[1]

Ayon sa mga makasaysayang talaan, simula ng unang bahagi ng panahon ng Kastila hanggang sa kalagitnaan hanggang sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Hardin ng Mehan ay lugar kung saan matatagpuan ang palengke ng mga Tsino at lugar na tirahan ng mga Tsino na tinawag na Parian.[2] Ang Parian ay ang komunidad ng mga Tsino na matatagpuan sa labas ng Intramuros. Ito ay isang malaking pamayanan noong ika-17 siglo na binomba at sinira ng mga Espanyol noong nag-aklas ang mga Tsino.[3] Noong 1858 ay tinawag ang lugar na ito bilang Jardin Boranico de Manila pagkatapos ilipat ang komunidad ng mga Tsino mula dito patungo sa Binondo.[2][4]

Naging pangpublikong parke ang Jardin Botanica noong napagdesisyunan ng mga Amerikanong mananakop na ang hardin ay hindi na angkop bilang isang hardin na botanikal. Ito ay naging Hardin ng Mehan noong 1913 bilang sunod sa tagapamahala ng parke na si John C. Mehan.[5][6]

Idineklara noong 1934 ng National Historical Institute (na naging Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 2010) ang Hardin ng Mehan bilang isang makasaysayang lugar.[5][6][7]

Noong dekada 1960 ay idineklara ng Pambansang Museo na isang lugar na arkeolohiko ang Hardin ng Mehan.[3]

Nagpetisyon ang mga direktor ng Pambansang Museo, National Historical Institute at ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining noong 2001 kay Lito Atienza na noon ay alkalde ng Lungsod ng Maynila na ipatigil ang kanyang planong pagpapatayo ng isang kolehiyo sa Hardin ng Mehan.[3]

Ipinaayos ni Isko Moreno na noon ay alkalde ng Lungsod ng Maynila ang Hardin ng Mehan at noong 2019 ay muli niya itong binuksan sa publiko.[1][8]

Lugar ng mga pangyayari[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagawang lugar ng mga pangyayari ang Hardin ng Mehan tuwing mga araw ng pagdiriwang tulad ng Araw ng mga Puso (Inggles: Valentine's Day) at Pasko upang palakasin ang lokal na ekonomiya at magkaroon ng pagkakakitaan ang mga Pilipino.[1][9][10]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 Taculao, Patricia S. (2022-06-23). "Four centuries of preserving Filipino heritage and advocating progress". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 Belmonte, Joy; Cuevas, Nida; Jago-On, Clyde (Agosto 29, 2001). "Who lived at the Mehan Garden site?". Philstar.com. Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Silva, John L. (Hunyo 24, 2001). "The Fight For A Little Garden". Philstar.com. Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Caguimbal, Rory (2014-01-01). "Urban Renewal of the City of Manila and its Impact to Environment and Physical Design". Espasyo (Journal of Philippine Architecture and Allied Arts).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Mehan Garden Manila - The Philippines Today". The Philippines Today (sa wikang Ingles). 2021-06-21. Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 Ciasico, Francine (Setyembre 15, 2019). "Mehan Garden to open as public park". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "REPUBLIC ACT NO. 10086, May 12, 2010 An Act Strengthening Peoples' Nationalism Through Philippine History By Changing The Nomenclature Of The National Historical Institute Into The National Historical Commission Of The Philippines, Strengthening Its Powers And Functions, And For Other Purposes". Supreme Court E-Library. Nakuha noong Hunyo 27, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. "Isko honors Lim at UDM anniversary". Philstar.com. Oktubre 19, 2019. Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. Moaje, Marita (Pebrero 13, 2021). "Manila park turns into 'garden of love' for V-Day". Philippine News Agency. Nakuha noong Hunyo 27, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. Cayabyab, Marc Jayson (Disyembre 3, 2020). "Manila opens Christmas bazaar to help COVID-19 affected traders". Philstar.com. Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)