Balisara
Balisara | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Trogoniformes |
Pamilya: | Trogonidae |
Sari: | Harpactes |
Espesye: | H. ardens
|
Pangalang binomial | |
Harpactes ardens (Temminck, 1826)
|
Ang balisara[2] (Ingles: Philippine Trogon, Sebwano: Bagoko, Maranao: Magapoy) na may pangalang pag-agham na Harpactes ardens ay isang espesye ng ibon sa pamilyang Trogonidae. Dahil sa balahibo nito at mga kulay, pangunahing kinakabit ito sa mitikong Ibong Adarna nula sa mga tulang epiko. Endemiko ito sa Pilipinas.[3]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kulay itim ang ulo at lalamunan at bughaw ang mukha ng mga lalaki. Kulay kayumanggi naman ang manta at leeg nito habang mapusyaw na kayumanggi ang puwitan na may mapupula-pulang kayumangging buntot. Mapusyaw na kulay abo hanggang kulay rosas ang dibdib, na may isang pulang linya sa dibdib at mas maputlang pula sa ilalim ng dibdib. Mas hindi matindi ang kulay sa mga babae.[4]
Tirahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa subtropikal o mamasa-masang tropikal na kagubatan sa kapatagan o mamasa-masang tropikal na mabundok na kagubatan ang tirahan nila. Karaniwan silang matatagpuan sa kagubatan na nag-iisa o magkapares na nakadapo sa 5 hanggang 10 metro mula sa lupa sa isang madilim na pahingaan sa isang baging o sanga sa mga halamanan.
Pagpaparami
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagawa nila ang kanilang pugad sa isang butas ng isang patay na puno, anim na metro ang taas. Tatlo ang dami ng itlog.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ BirdLife International (2016). "Harpactes ardens". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2016: e.T22682839A92963343. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22682839A92963343.en. Nakuha noong Nobyembre 13, 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kennedy, Robert; Gonzales, Pedro C.; Dickinson, Edward; Jr, Hector C. Miranda; Fisher, Timothy H. (2000-09-21). A Guide to the Birds of the Philippines (sa wikang Ingles). OUP Oxford. p. 196. ISBN 978-0-19-854668-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Limos (2020). This Colorful Bird is the Real-Life Ibong Adarna from Philippine Myth. Esquire. (sa Ingles)
- ↑ "Philippine Trogon (Harpactes ardens) » Planet of Birds" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2014. Nakuha noong Agosto 20, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Trogon (Harpactes ardens) » Planet of Birds" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2014. Nakuha noong Agosto 20, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)