Hasina Jalal
Hasina Jalal | |
---|---|
Kapanganakan | Badakhshan |
Nasyonalidad | Afghan |
Trabaho | Activist |
Kilala sa | Nagkamit ng N-Peace Award |
Si Hasina Jalal ay isang tagapagtaguyod nang mga karapatan ng kababaihan sa Afghanistan. Noong 2014, siya ay pinarangalan ng N-Peace Award .
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Hasina Jalal ay nagtapos ng Ekonomiks at Agham Pampulitika sa Jamia Millia Islamia University sa India.[1] Mayroon siyang Master of Business Administration sa American University of Afghanistan at nagpatuloy sa kanyang pag-aaral sa Women and Gender Studies sa University of Northern Iowa bilang isang iskolar ng Fulbright.[2] Si Jalal ay kaisa sa pagtatatag at pamamahala ng ilang mga organisasyong di-pampamahalaan kabilang ang Afghanistan Women Empowerment and Capacity Building Center noong 2011, ang South Asian Woman Alliance on Women's Economic, Social, and Cultural Rights, ang National Association of Afghanistan Civil Society (NAACS ), at ang South Asian Women's Coalition for Cooperation in 2019..[3]
Si Hasina Jalal ay tumanggap ng maraming mga pang-rehiyon at internasyonal na parangal at karangalan. Ang Asian Rural Women Coalitions (ARWC) ay kinilala ang kanyang pagsisikap sa parangal na Honoring 100 Asian Women noong 2012.[4] Noong 2014, si Jalal ay inihalal ng publiko upang matanggap ang N-Peace Award mula sa UNDP Asia Pacific Office at ang UN Secretary General's Special Advisor on the University for Peace upang kilalanin ang kanyang laban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, karapatang pantao, demokrasya, at kapayapaan sa Afghanistan.[5][6][7] Noong 2016, nakamit niya ang Global Women Leadership award.[8][9] Noong 2017 iginawad sa kanya ng World Human Rights Congress ang World Super Achiever Award.[3] Noong 2020, natanggap niya ang Iconic Women Creating a Better World for All award ng Women’s Economic Forum at nahalal din sa pamamagitan ng boto ng publiko para sa 50 Most Influential Afghan Women award.[10][2][11] Si Hasina Jalal ay matatas sa salitang Persian, Pashto, Ingles, Turkish, at Hindi o Urdu. Nagsilbi siya sa gobyerno ng Afghanistan at tagapagturo ng ekonomiya sa maraming pamantasan na nakabase sa Kabul. Nagtrabaho siya bilang Policy Advisor, Ministro at Acting Director ng Program Design and Donor Coordination Directorate at the Ministry of Mines and Petroleum. Pinamunuan din niya ang isang pangkat ng mga mananaliksik sa Administratibong Opisina ng Pangulo ng Afghanistan.[12] She also led a team of researchers in the Administrative Office of the President of Afghanistan.[13][14]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Hasina Jalal". Biruni Institute. 16 Disyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2020. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Hasina Jalal". Rumi Awards. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2020. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Hasina Jalal". N-PEACE. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2020. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UNI Fulbright scholar empowering Afghan women". insideuni.uni.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-04. Nakuha noong 2020-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UNDP celebrates Asian women leaders and their male allies for building peace". UNDP in Asia and the Pacific (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2021. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hasina Jalal Wins 2014 N-Peace Award". South Asia Democratic Forum. 6 Nobyembre 2014. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Young Afghan activist wins UNDP peace award". UNAMA (sa wikang Ingles). 2014-06-02. Nakuha noong 2020-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hasina Jalal wins Global Women Leadership award Archives". The Khaama Press News Agency. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AFGHANISTAN: Young Afghan activist Hasina Jalal wins Global Women Leadership award". Community Supported Film. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rumi 50 Most Influential Women 2021 (sa wikang Ingles), nakuha noong 2021-01-28
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ SADF (2020-10-07). "Afghan Women Heroes - Rumi awards". SADF (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hasina Jalal". BIRUNI INSTITUTE (sa wikang Ingles). 2019-12-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-23. Nakuha noong 2021-01-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Didar, Ahmad Fahim. "Thirteenth Event Omaid Sharifi". Startup Grind in Afghanistan (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-11. Nakuha noong 2021-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hasina Jalal". RUMI AWARDS (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-23. Nakuha noong 2021-01-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)