Organisasyong di-pampamahalaan
Ang organisasyong di-pampamahalaan (Ingles: non-governmental organization o NGO) ay isang organisasyon na naayon sa batas na nilikha ng mga pribadong tao at mga organisasyon kung saan hindi sumasali o kumakatawan ang anumang uri ng pamahalaan. Sa mga kaukulan kung saan ang mga NGO ay napaglaanan ng salapi nang buo o bahagi lamang mula sa mga pamahalaan, ang NGO ay nanatiling nasa katayuang di-pampamahalaan at kung sakali isinasantabi ang mga kumakatawan mula sa pamahalaan sa pagkakasapi sa organisasyon.
Ang bilang ng kasalukuyang tumatakbong sabansaang NGO ay pumapatak sa 40,000.[1]
Ang pagkakaiba-iba ng mga di-pampamahalaang organisasyon sa Pilipinas sa kasalukuyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasalukuyang pamayanan ng DPO sa Pilipinas na itinatag na parang kabuti batay sa mga kalagayan ng politika sa bansa ay isinalarawan ng mataas na antas ng pagkakaiba-iba at ng kinatatayuang istratehikong o pampolitika na nagtutunggalian. Ang pagkakaiba-iba ng mga DPO sa Pilipinas ay bunga ng lumalaking sektor kasabay ang pagtugon ng mga DPO sa mga pagbabago ng panlabas at panloob na kapaligiran, lalo na ang mga maladulaang paglipat sa mga situwasyong pangsosyopolitiko at pang-ekonomiko ng Pilipinas.[2] Ipinakikilala ni Karina Constantino-David ang mga pagkakaiba ng mga organisasyong pagkakasapi sa mga institusyon at ahensiya at isinalarawan ang iba't ibang uri ng mga institusyon at mga ahensiya:[3]
- mga Kaunlaran, Katarungan, at Adbokasyang DPO (Development, Justice, and Advocacy NGOs o DJANGOs) ay karaniwang tinatawag na DPO Pangkaunlaran. Sila'y gumaganap ng parehong tuwiran at di-tuwirang gawaing serbisyong kumakandili sa mga organisasyong pantaumbayan (POs).
- mga Tradisyonal na DPO (Traditional NGOs o TANGOs) ay ang organisasyong pangkawang-gawa, pangkagalingan at gumaganap ng mga serbisyong mahalaga sa mga mahihirap. Habang sila'y bumabagtas sa mga PO at DJANGO, ang kanilang pangunahing pagtutok ay nananatili sa pagbibigay ng tulong sa mga indibidwal at pamilya.
- mga DPO na Pinopondohan ng Ahensiya o mga Institusyong Pilantropiko (Funding Agency NGOs or Philanthropic Foundations o FUNDANGOs) ay mga institusyong at mga organisasyon an nagbibigay ng pagkalooban na kumakawing sa mga madlang organisasyon nang nakalalamang na mangyari sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pananalapi at iba pang tulong.
- mga Mutanteng DPO (Mutant NGOs o MUNGO) ay binubuo nang pangkalahatan ng mga DPO na Pinapatakbo ng Pamahalaan (Government-Run or -Inspired NGOs o GRINGOs) na lumalawig nang tunay ng mga pansariling o kalagayang interes ng mga kumikilos bilang sila ay pakana ng mga politiko at mga taong may tungkulin sa pamahalaan.
- mga DPO na Pinang-ayunan ng Negosyo (Business-Organized / Oriented NGOs o BONGOs) ay mga grupo na nilikha sa una pa lamang bilang nag-iiwas sa buwis, tagapagkilos ukol sa pagsusupil sa mga kaguluhan sa paggawa, o paraan upang kalingalin ang magandang anyo ng kompanya.
- sa huli, mga DPO na Tumatakbo-sa-Gabi (Fly-by-Night or paper NGOs o COME N'GOs) ay nag-uugnay sa mga organisasyong tumatakbo-sa-gabi na ang mga mungkahing alok na maraming kundisyon upang akitin ang pagpopondo sa labas ay madaling naglalaho kasama ang mga pondo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ano ang Di-Pampamahalaang Organisasyon? City University, London (en)
- Ang maikling kasaysayan ng Di-Pampamahalaang Organisasyon Naka-arkibo 2008-06-25 sa Wayback Machine. (en)
- Ang papel na ginagampanan ng NGO sa pagbubuo ng kapayapaan (en)
- Proyektong NGOWatch na nagbibigay ng detalyadong kabatiran tungkol sa mga NGO Naka-arkibo 2020-09-19 sa Wayback Machine. (en)