Pumunta sa nilalaman

Hawkeye (komiks)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hawkeye (Clinton Francis Barton) ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Nilikha sa panulat ni Stan Lee at guhit ni Don Heck, unang lumitaw ang karakter bilang kontrabida sa Tales of Suspense #57 (Setyembre 1964) at sa kalaunan ay sumama sa Avengers sa The Avengers #16 (Mayo 1965). Siya ay naging prominenteng kasapi ng koponan simula noon. Niranggo siya sa #44 sa Pinakamataas na 100 sa tala ng IGN na mga Bayani sa Komiks.[1]

Ginampanan ni Jeremy Renner ang karakter sa mga pelikula ng Marvel Cinematic Universe na Thor (2011) sa isang hindi nakakreditong kameyo, The Avengers (2012), Avengers: Age of Ultron (2015), Captain America: Civil War (2016) at Avengers: Endgame (2019), at babalik upang muling gampanan ang karakter sa paparating na serye sa Disney+ na Hawkeye (2022).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Top 100 Comic Book Heroes – IGN" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-24. Nakuha noong 27 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)