Pumunta sa nilalaman

Jeremy Renner

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jeremy Renner
Kapanganakan7 Enero 1971[1]
  • (Kondado ng Stanislaus, California, Pacific States Region)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomusiko,[3] artista sa teatro, artista sa telebisyon, artista sa pelikula, prodyuser ng pelikula
Pirma

Jeremy Lee Renner (ipinanganak 7 Enero 1971) ay isang Amerikanong aktor at musikero. Si Renner ay lumabas sa mga pelikula noong 2000s, ang karamihan ay hindi bilang bida. Nabigyan siya ng pansin sa kanyang pagganap sa Dahmer(2002), S.W.A.T(2003), Neo Ned(2005), 28 weeks Later(2007) at The Hurt Locker(2009). Isa si Renner sa pinagpilian bilang Pinakamahusay na Aktor sa Academy Awards para sa kanyang pagganap sa nanalong Pinakamahusay na Pelikula noong 2009 na The Hurt Locker. Noong susunod na taon ay lumabas din siya sa The Town, na hinirang ng mga kritiko. Ang kanyang pagganap bilang James Coughlin sa pelikula ay nagbunga ng nominasyon bilang sa Academy Awards, SAG, at Golden Globes.

Maagang Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Renner ay pinanganak sa Modesto, California. Siya ang unang anak nina Valerie Cearley at Lee Renner, na mga tagapamahala ng negosyo ng Bowling. Ang mga magulang niya ay nagpakasal ng sila ay mge tinedyer pa lamang at naghiwalay ng si Renner ay sampung taong gulang. Si Renner ay may limang mas nakababatang kapatid. Siya ay may dugong Irish na nakuha niya sa kanyang nanay at German naman sa kanyang tatay. Siya ay nagtapos ng mataas na paaralan sa Fred C. Beyer High School at nagkolehiyo sa Modesto Junior College.

Unang mga trabaho

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang paglabas ni Renner ay noong 1995 sa pelikulang National Lampoon's Senior Trip bilang isang estudyanteng hindi nakamit ang kanyang potensiyal. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga kritiko sa pelikula, ngunit napansin si Renner at nagkaroon ng dalawang maliit na pagganap sa mga palabas sa telebisyon, ang Deadly Games at Strange Luck. Nagkaroon din siya ng pagganap sa A Friend's Betrayal bilang kaibigan ni Brian Austin Green. Sa sumunod na mga taon ay lumabas si Renner sa mga palabas na Zoe, Duncan, Jack and Jane(1999), The Net(1999), The Time of Your Life(1999) at Angel(2000). Lumabas din siya sa CSI: Crime Scene Investigation noong 2001.

Maagang Tagumpay: 2000-2008

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2002, gumanap si Renner bilang bida sa pelikulang Dahmer bilang ang mamamatay taong si Jeffrey Dahmer. Nahirapan siya pagkatapos ng paggawa ng pelikula sapagkat nakita niya kung paano pinapatay ng kanyang ginampanang karakter ang mga biktima nito. Pinuri ang kanyang pagganap at umani pa ito ng nominasyon sa Independent Spirit Award bilang pinakamahusay na aktor. Naging bida din siya sa pelikulang Monkey Love kasama sina Amy Stewart at Seamus Dever. Lumabas din siya sa music video ni Pink na "Trouble" bilang Bad Boy Sheriff. Ang kanyang sumunod na proyekto ay ang S.W.A.T, kung saan ginampanan niya ang dating katambal ni Colin Farrel na pulis noong 2003. Noong 2004 lumabas siya sa pelikulang The Heart is Deceitful Above All Things.

Noong 2005 kasama ni Renner sina Julia Stiles at Forest Whitaker sa mga pelikulang A Little Trip to Heaven, North Country at 12 and Holding. Naging bida naman siya sa pelikulang Neo Ned kasama si Gabrielle Union. Napanalunan ng pelikula ang lahat ng nominasyon nito kabilang na para Pinakamahusay na Akto sa Palm Beach International Film Festival. Nagkaroon siya ng maliit na parte sa pelikulang Lords of Dogtown, ngunit hindi siya nabigyan ng kredito. Noong 2006 kasama ni Renner si Ginnifer Goodwin sa pelikulang Love Comes to the Executioner.

Nagkaroon ng maliit na pagganap si Renner sa pelikulang The Assasination of Jesse James by the Coward Robert Ford, bilang pinsan ng bandidong si Jesse James na ginampanan ni Brad Pitt. Naging si Seargent Doyle din siya sa pelikulang 28 Weeks Later. Nakasama niya si Minnie Driver sa pelikulang Take at lumabas sa isang kabanata ng House sa telebisyon bilang isang musikero. Nagkaroon siya ng parte sa pantelebisyon na seryeng The Oaks ngunit hindi natuloy ang proyekto.

Pambihirang Tagumpay: 2009-kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng proyekto niyang kasama si Dallas Roberts na Lightbulb at ang maigsing seryeng The Unusuals, hinirang si Renner ng mga kritiko sa pagganap niya bilang taga disarma ng bomba na si Seargent William James sa The Hurt Locker. Ang pagganap niyang ito ay nagbungga ng maramaing nominasyon bilang Pinakamahusay na Aktor sa Academy Awards at Screen Actors Guild.

Noong 2010, ang pagganap ni Renner sa pelikulang The Town na kasama sina John Hamm, Blake Lively, Slaine at Michael Yabba ay hinirang muli ng mga kritiko. Nagbunga muli ito ng nominasyon sa Academy Awards at SAG.

Noong 2011, lumabas siya ng saglit sa pelikulang Thor bilang si Hawkeye para maging pamilyar ang mga manonood sa kanyang karakter, para sa nalalapit na pelikulang The Avengers sa 2012. Lumabas din si Renner kasama si Tom Cruise sa pelikulang Mission: Impossible - Ghost Protocol. Ang ikaapat na parte ng serye ng mga pelikulang Mission: Impossible. Siya ay naging parte ng koponan ni Ethan Hunt.

Natapos na ni Renner ang paggawa sa pelikulang Hansel and Gretel: Witch Hunters kung saan siya ay bida kasama si Gemma Arterton. Ang paglabas ng pelikula ay naitulak hanggang 2013. Si Renner din ang magiging bida sa ikaapat na pelikula ng Serye ng Bourne na The Bourne Legacy. Sinulat at pinamahalaan ni Tony Gilroy, kung saan ginampanan ni Renner ang parteng si Aaron Cross na pumalit kay Jason Bourne na ginampanan ni Matt Damon sa unang tatlong pelikula.

Ibang Interes

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magaling din na musikero si Renner kumakanta at sumusulat siya ng kanta, tumtugtog din siya ng gitara, piano at drums. Tumutugtog siya noong una sa bandang Sons of Ben. Para sa ponograma ng pelikulang North Country kanyang inawit ang kantang I Drink Alone". Sa kanyang mga pelikula inawit din niya ang mga kantang "American Pie" at "Good Ole Rebel"

May negosyo si Renner kasama si Kris Kristofersson na nagaayos ng mga bahay noong pang bago ang kanyang matinding pag-sikat

Personal na Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matalik na kaibigan ni Renner si Ben Affleck, Charlize Theron at Colin Farrel

  1. "Jeremy Renner". Nakuha noong 9 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.aveleyman.com/ActorCredit.aspx?ActorID=45947.
  3. http://www.datalounge.com/cgi-bin/iowa/ajax.html?t=13381747.