Heitor Villa-Lobos
Si Heitor Villa-Lobos (ipinanganak noong 5 Marso 1887; namatay noong 17 Nobyembre 1959) ay isang kompositor na Brasilyano. Kinikilala siya bilang pinaka mahalagang kompositor noong ika-20 daantaon ng musikang klasikal mula sa Timog Amerika. Nagsulat siya ng isang napakalaking dami ng musika, kabilang na ang mga akda para sa orkestra, pangtsamber, instrumental at pangtinig. Ang kaniyang musika ay naimpluwensiyahan kapwa ng mga tugtuging-bayan ng Brazil at ng musikang klasikal mula sa Europa. Natatanging mahalaga para sa kaniya ang musika ni Johann Sebastian Bach, at lumikha siya ng ilang mga piyesa ng musika na tinawag niyang Bachianas brasileiras na ang ibig niyang sabihin ay "tugtuging Brasilenyo na nasa estilo ni Bach".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.