Henry Marsh
Henry Marsh | |
---|---|
Kapanganakan | 1790 |
Kamatayan | 1 Disyembre 1860 |
Trabaho | siruhano |
Si Henry Marsh (1790 - Disyembre 1, 1860), may pamagat na Unang Baronete, ay isang Britanikong manggagamot at maninistis. Ipinanganak siya sa Loughrea, County Galway sa Irlanda. Isa siya sa mga duktor ng medisinang kaugnay ng sindroma ni Basedow, na kilala rin bilang sakit ni Marsh, at pangkasalukuyang tinatawag na eksoptalmikong buklaw.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang ninais ni Marsh na maging isang magsasaka o kaya maging isang tao ng simbahan, bago maging isang siruhano. Pagkaraang hindi sinasadyang maputulan siya ng kanang hintuturo sa kamay dahil sa isang operasyon o paghihiwang kanyang ginagawa, nilisan niya ang larangan ng maninistis. Tinanggap niya ang kanyang duktorado sa panggagamot mula sa Dublin noong 1818. Pagkaraan magsagawa ng mga paglalakbay na makaagham, naghanapbuhay siya bilang isang katulong na manggagamot para sa Ospital ni Stephen sa Dublin, Irlanda.[1]
Itinatag niya ang Paaralan ng Panggagamot sa Kalye Park noong 1822, sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa larangan ng medisinang sina Robert James Graves, James William Cusack, Samuel Wilmot, at Arthur Jacob, at iba pa. Nagturo siya ng paksang patolohiya sa paaralang ito hanggang 1927.[1]
Noong 1927, nagturo siya sa Royal na Dalubhasaan ng mga Maninistis ng Irlanda (Royal College of Surgeons of Ireland). Nang lumaon, naging manggagamot siya para sa reyna ng Inglatera. Noong 1839, naging isang kabalyerong baronete (mas mababa kaysa isang baron). Noong 1840, naging pangulo siya ng Dalubhasaan ng mga Manggagamot ng Hari at Reyna.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.