Herculano
Ang Herculano o Ercolano (Italyano: Ercolano; Ingles/Latin: Herculaneum) ay isang sinaunang Romanong bayan na nasalanta sa pagputok ng bulkan noong taong 79 AD, na matatagpuan sa kinalalagyan ng kasalukuyang comune ng Ercolano, sa rehiyong Italyano ng Campania sa paanan ng Bulkang Vesubio.
Ito ay kilala sa paglaho nito, kasama ng Pompeya, Estabia at Oplontis, dahil sa pagputok ng Vesubio noong Agosto 24, 79 AD, na nagtabon sa mga ito ng abo at tunaw na bato, na siyang natuyo at tumigas. Ang Herculano ay may mas maraming tao kaysa Pompeya noong taong sila'y natabunan.
Nakaugalian na noong sinaunang panahon ang kaugnayan ng Herculano sa pangalan ng bayaning Griyego na si Herkules[1], isang bakas na ang lungsod ay itinatag ng mga Griyego.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The founding myth asserted that Hercules built Herculaneum at the location where he killed Cacus, a son of Vulcan who had stolen some of Hercules' cattle.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.