Hero at Leandro
Ang Hero at Leandro (Ingles: Hero and Leander, Kastila: Hero y Leandro) ay isang Griyegong mito, na naglalahad ng kuwento ukol kay Hero (Griyego: Ἡρώ), isang babaeng pari ni Aphrodite na nakatira sa isang tore ni Sestos, sa may gilid ng Helesponto (o Hellespont), at kay Leandro (Griyego: Λέανδρος, Léandros), isang nakababatang lalaki mula sa Abydos na nasa kabila ng makipot na tubigan.[1]
Naging paksa ng maraming tanyag na mga akdang pampanitikan sina Hero at Leandro. Ilang halimbawa nito ang tulang Hero and Leander nina Christopher Marlowe at George Chapman.[1]
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umibig si Leandro kay Hero at palaging lumalangoy tuwing gabi sa patawid ng Hellespont upang maging magkapiling sila. Nagsisindi ng isang lampara o sulo si Hero sa tuktok ng kanyang tore upang gabayan si Leandro. Isang mabagyong gabi, nawalan ng sindi ang ilawan ni Hero, at nalunod si Leandro. Nang matagpuan ni Hero ang katawan ni Leandro, inihulog ni Hero ang kanyang sarili sa dagat.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Hero and Leander". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H, pahina 330.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.