Hesus na anak ni Ananias
Itsura
Si Hesus na anak ni Ananias o Yeshua ben Hanananiah ay isang magsasaka na noong 62 CE ay humula sa pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem na winasak ng mga Romano noong 70 CE.
Ayon kay Josephus sa kanyang Digmaang Hudyo:
- Ngunit ang karagdang pagbabadya ay nakakabahala. Mga apat na taon bago ang Unang Digmaang Hudyo-Romano(nagsimula 66 CE), nang ang lungsod ay dumaranas ng malallim na kapayapaan at kasaganaan ay may isang pumunta sa pista kung saan kustombre ay sa lahat ng mga Hudyo sa magtayo ng mga tabernakulo sa Diyos, ang isang Hesus na anak ni Ananias, isang bastos na magsasaka ay biglang nagsisigaw na "Ang isang tinig mula sa Silangan, ang isang mula sa Kanluran, ang isang mula sa apat na hanging, ang isang tinig laban sa Herusalem at santwaryo nito, ang isang tinig laban sa mga lalakeng ikakasal at mga babaeng ikakasal, isang laban sa lahat ng mga mamamayan. Araw gabi siya ay pumunta sa mga eskinita na may pag-iyak sa kanyang mga labi. Ang ilan sa mga nangungunang mamamayan ay nagpuyos sa maling mga salita ng pagbabadya ay dumakip sa taong ito at labis siyang kinastigo. Sa sandali, ang mga mahistrado na nagpapalagay na talaga na ang taong ito ay nasa ilalim ng isang kasigasigan na supernatural ay dinala siya sa gobernador na Romano. Doon, bagaman hinampas sa kanyang mga buto ng mga paghahampas, hindi siya humingi ng awa o umiyak ngunit nagpakilala ng pinaka mapanaghoy ng uri ng kanyang mga pagsambit at tumugon sa mga paghampas sa kanya nang "Sa aba mo Herusalem!". Nang ang gobernador na si Albinus ay nagtanong kung sino at nasaan siya at bakit niya sinambit ang mga pagtangis na ito, hindi niya siya sinagot ng isang salita ngunit walang tigil na paulit ulit na panaghoy sa siyudad hanggang sa sabihin ni Albinus na siya ay isang manyak at palayain na siya. Sa buong panahon hanggang sa pagsiklab ng digmaan, hindi siya lumapit o nakipag-usap sa sinumang mamamayan ngunit araw-araw tulad ng isang panalangin na siya ay dinaya, inulit ang kanyang panaghoy na "Sa aba mo Herusalem!". Hindi niya sinumpa ang sinumang gumulpi sa kanya sa araw araw o binasbasan ang mga naghain sa kanya ng pagkain: sa lahat ng tao na ang kanyang tugon ang malungkot na pagbabadya. Ang kanyang mga pagtangis ay pinakamalakas sa mga pista. Kaya sa pitong taon at limang buwan, nagpatuloy siya sa pagtangis, ang kanyang tinig ay hindi kailanman humina o napagod hanggang sa paglusob na nakita na ang kanyang pagbabadya ay napatunayan at nahanap ang kanyang kapahingahan. Sapagka't habang nagsisigaw sa nakakatusok na mga tono mula sa pagtangis na "Muli ay sa aba mo lungsod at sa bayan at sa tempplo at sa kanyang huling salita "at sa aba ko rin" ang isang bato na inihagis sa isang balista ay tumama at pumatay sa kanya. Kaya sa mga pagbabadyang iyon sa kanyang mga labi ay pumanaw siya.
(Josephus, Digmaang Hudyo VI.5.3)