Hexapla
Ang Hexapla (Ἑξαπλά: Gr. para sa "sixfold") ang termino para sa edisyon ng Bibliya sa anim na bersiyon. Ito ay lumalapat sa edisyon ng Lumang Tipan na tinipon ni Origen ng Alexandria na inilagay ng magkakatabi:
- Wikang Hebreo
- Secunda –Hebreo tinranslitera sa mga karakter na Griyego
- Aquila ng Sinope
- Symmachus ang Ebionita
- Isang recension ng Septuagint, na may (1) may mga interpolasyon upang ipakita kung saan ang Hebreo ay hindi kinakatawan sa Septuagint. Ang mga ito ay pangunahing kinuha mula sa teksto ni Theodotion at minarkahan ng mga asterisk at (2) mga indikasyon gamit ang mga tanda na tinatawag na obeloi (singular: obelus) kung saan ang mga salita, parirala, o misang mga malalaking seksiyon ng Septuagint ay hindi rumireplekta sa anumang pinagsasaligang Hebreo.
- Theodotion[1]
Ang eklektikong recension ni Origen ng Septuagint ay may malaking impluwensiya sa teksto ng Lumang Tipan sa ilang mga mahahalagang manuskrito gaya ng Codex Sinaiticus. Ang orihinal na akda na sinasabing mga 6000 pahina at malamang ay umiral lamang sa isang kumpletong kopya ay tila itinago sa aklatan ng mga obispo ng Caesarea sa ilang mga siglo ngunit naglaho sa pananakop Muslim noong 638 sa pinakahuli nito. Ang umiiral na mga pragmentong kopya ay tinipon sa ilang mga edisyon halimbawa ng kay Frederick Field (1875).
Ang mga pragmentong ito ay kasalukuyang muling inilimbag kasama ng mga karagdagang materyal na natuklasan simula nang edisyon ni Field) ng internasyonal na pangkat ng mga skolar ng Septuagint. Ang akdang ito ay isinasagawa bilang Proyektong Hexapla[2] sa ilalim ng auspices ng International Organization for Septuagint and Cognate Studies,[3] at dinirekta nina Peter J. Gentry (Southern Baptist Theological Seminary), Alison G. Salvesen (Oxford University), and Bas ter Haar Romeny (Leiden University).
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Würthwein, E. (1987). Der Text des Alten Testaments. Stuttgart: Deutsche Bibelgesellschaft. p. 66.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Website of the Hexapla Project". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-03-27. Nakuha noong 2021-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Website of the International Organization for Septuagint and Cognate Studies
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Full scan of Origen of Alexandria, Hexapla Vol I
- Full scan of Origen of Alexandria, Hexapla Vol II
- Herbermann, Charles, pat. (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
. - Jewish Encyclopedia: Origen: His "Hexapla"