Pumunta sa nilalaman

Tokyo

Mga koordinado: 35°41′N 139°41′E / 35.683°N 139.683°E / 35.683; 139.683
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Higasyiyamoto, Tokyo)
Tokyo

東京
東京都 · Kalakhang Tokyo
Mula sa bandang kaliwa sa itaas: Shinjuku, Tore ng Tokyo, ang Tulay na Bahaghari, Shibuya, Gusali ng Pambansang Diet
Opisyal na sagisag ng Tokyo
Sagisag
Opisyal na logo ng Tokyo
Seal
Lokasyon ng Tokyo sa Hapon
Lokasyon ng Tokyo sa Hapon
Satellite photo of Tokyo's 23 Special wards taken by NASA's Landsat 7
Satellite photo of Tokyo's 23 Special wards taken by NASA's Landsat 7
Tokyo is located in Japan
Tokyo
Tokyo
Lokasyon ng Tokyo sa Hapon
Mga koordinado: 35°41′N 139°41′E / 35.683°N 139.683°E / 35.683; 139.683
Bansa Hapon
RehiyonKantō
PuloHonshū
Divisions23 special wards, 26 cities, 1 district, & 4 subprefectures
Pamahalaan
 • UriKalakhan
 • GobernadorYuriko Koike
 • KabiseraShinjuku 
Lawak
(ranked 45th)
 • Kabuuan2,187.08 km2 (844.44 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1st)
 • Kabuuan12,790,000
 • Kapal5,847/km2 (15,140/milya kuwadrado)
 • 23 Wards
8,653,000
 (1 Enero 2009)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
ISO 3166-2
JP-13
BulaklakSomei-Yoshino cherry blossom
PunoGinkgo tree (Ginkgo biloba)
IbonBlack-headed Gull (Larus ridibundus)
Websaytmetro.tokyo.jp(sa Ingles)

Ang Tokyo (東京, Tōkyō; "Silangang Kabisera"), opisyal na tinatawag na Prepektura ng Tokyo o Kalakhang Tokyo (東京都, Tōkyō-to),[1] ay isa sa 47 prepektura ng Hapon, at nagsisilbi bilang kabisera ng buong bansa. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng pangunahing pulo ng Honshū at kasama ang mga kapuluang Izu at Osagawara. Ang Kalakhang Tokyo ay nabuo noong 1943 mula sa pagsasama ng dating Prepektura ng Tokyo (Tokyo-fu) at ng Lungsod ng Tokyo. Pinamamahalaan ng pamahalaan ng Kalakhang Tokyo ang dalawampu't tatlong mga natatanging purok ng Tokyo, ang bawat isa ay pinamamahalaan bilang isang lungsod, na sumasakop sa dating lungsod ng Tokyo at pati ang 39 mga bayan sa kanlurang bahaig ng prepektura at ang dalawang pangkat ng mga pulo.

Ang populasyon ng mga natatanging purok ay nasa higit 8 milyong katao, na may kabuuang populasyon para sa buong prepektura na hihigit sa 13 milyon. Kasama ang mga lugar na palibot dito, ang Kalakhang Tokyo ay ang pinakamalaking kalakhan sa Hapon, na may higit 30 milyong katao.

Orihinal na kilala bilang Edo ang Tokyo, na nangangahulugang wawa.[2] Binago ang pangalang ito bilang Tokyo (Tōkyō: (silangan) + kyō (kabisera)) nang ito ay maging kabisera ng imperyo noong 1868, na inayon sa kaugaling Silangang Asyanong pagdadagdag ng salitang kabisera ('京') sa mga kabiserang lungsod.[2] Noong unang bahagi ng Panahong Meiji, ang lungsod ay tinawag ding "Tōkei", isang alternatibong pagbigkas sa katulad na kanji na kumakatawan sa "Tokyo". May iilang mga nalalabing mga dokument sa wikang Ingles ang may baybay na "Tokei".[3] Subalit ang pagbigkas na ito ay hindi na ginagamit ngayon.[4]

Tala ng mga bayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lungsod ng Tokyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Rehiyon ng Tama

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lungsod

Distrito ng Nishitama

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Geography of Tokyo". Tokyo Metropolitan Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-08. Nakuha noong 2008-10-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Room, Adrian. Placenames of the World. McFarland & Company (1996), p360. ISBN 0-7864-1814-1.
  3. Waley, Paul (2003). Japanese Capitals in Historical Perspective: Place, Power and Memory in Kyoto, Edo and Tokyo. Routledge. p. 253. ISBN 070071409X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "明治東京異聞~トウケイかトウキョウか~東京の読み方" Tokyo Metropolitan Archives (2008). Retrieved on 13 September 2008. (sa Hapones)