Pumunta sa nilalaman

Hilaria Labog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hilaria Labog
Trabahomanunulat

Si Hilaria Labog ay isinilang noong 14 Enero 1890 sa Samal, Bataan. Naging kasapi siya ng samahang Ilaw at Panitik, 12 Panitik, Mithi ng Bataan, at Aklatang Balagtas.

Nag-aral siya sa Tondo Secondary School, Tondo Grammar School at Escuela Municipal. Ang nobela niyang Lumang Kumbento ay nagtamo ng gantimpala sa patimpalak sa nobela ng Liwayway. Obra Maestra niya ang Kabayanihan. Ang kanyang maikling kuwentong Walang Maliw ay kasama sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Kuwentong Ginto ng Batikang Kuwentista.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.