Pumunta sa nilalaman

Hinayana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Hīnayāna (हीनयान) ay isang salitang Sanskrit at Pāli na literal nangangahulugang "Kulang na Sasakyan", "Nilisang Sasakyan", o "Sirang Sasakyan". Lumitaw ang salita noong bandang ika-1 o ika-2 daangtaon KE. Ipinagkakaiba ang Hīnayāna sa Mahāyāna na may kahulugang "Dakilang Sasakyan". May samu't saring mga interpretasyon o pagpapaunawa sa kung sino o ano ang tinutukoy ng salitang "Hīnayāna". Ipinagkakaiba ng mongheng Intsik na si Yijing (na dumalaw sa Indiya noong ika-7 daangtaon KE) ang Mahāyāna mula sa Hīnayāna bilang sumusunod:[1]

Kapwa ay umangkin ng isa at nag-iisang Vinaya, at may magkatulad silang mga pagbabawal ng limang mga kasalanan, at pati ang pagsasagawa ng Apat na Dakilang mga Katotohanan. Yaong mga namimitagan sa mga bodhisattva at nagbabasa ng mga sutra ng Mahāyāna ay tinatawag na mga Mahāyānista, habang yaong hindi nagsasagawa ng mga ito ay tinatawag na mga Hīnayānista.

Kumalat ang budismo at nahati sa dalawang sangay: Mahayana at Hinayana Mahayana- tumangkilik sa mga pagbabago sa turo ni Buddha Hinayana- hindi humihiwalay sa mga aral ni Buddha

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Williams, Paul (2008) Mahāyāna Buddhism: The Doctrinal Foundations: p. 5


PananampalatayaBudismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Budismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.