Pumunta sa nilalaman

Di-kathang isip

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hindi kathang-isip)

Ang hindi kathang-isip o di-kathang-isip ay isang paglalahad, gsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may-akda bilang katotohanan. Ang ganitong paghaharap o presentasyon ay maaaring tumpak o hindi; na ang ibig sabihin ay maaaring magbigay ng tunay o hindi tunay na paglalahad ng paksang tinutukoy. Subalit, pangkalahatang inaakg ganiyang mga paniniwala; payak na sinasabi lamang nito na tunay na pinaniniwalaan ito ng mga tao (para sa mga paksang katulad ng mitolohiya, relihiyon, atbp). Maaari ring magsulat ng paksang kathang-isip ang mga manunulat ng hindi kathang-isip, kung saan nagbibigay ng kabatiran hinggil sa ganitong mga gawa. Ang hindi kathang-isip ay isa sa dalawang pangunahing mga kahatian sa pagsusulat, na partikular na ginagamit sa mga aklatan, na ang isa pa nga ay ang kathang-isip. Subalit, ang hindi kathang-isip ay hindi talaga kailangang nakasulat na teksto, dahil ang mga larawan at pelikula ay maaaring maging tagapagharap ng makatotohanang paglalahad ng isang paksa.


Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.