Pumunta sa nilalaman

Hoda Shaarawi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hoda Shaarawi (Arabic: هدى شعراوي) (23 Hunyo 1879—12 Disyembre 1947), ikinikilala rin siya bilang Huda Shaarawi o Hoda Sha'rawi, ay isang tagapangunag peministang lider at makabayan.

Ipinanganak sa Minya, siya ay anak ni Muhammad Sultan, ang unang pangulo ng Egyptian Representative Council. Tinuruan siyang magbasa ng Qur'an at, sa tulong ng mga guro niyang mga kababaihang Muslim, siya ay natuto ng Arabic, Persian, Turkish, at Islamic na mga paksa sa Cairo. Nakapagsulat din siya ng mga tula sa salitang Arabic at Pranses. Siya ay kasal sa kanyang pinsan, na si Ali Shaarawi, isang masugid na aktibista. Si Ali Pasha Shaarawi ay isang mahalagang papel sa paglitaw ng kanyang asawa bilang isang pampublikong pigura, aktibong sumusuporta sa kanyang peministang kilusan at madalas kasama sa kanyang pampolitikang mga kumperensiya at pulong. Madalas na hinahangad ni Ali Pasha ang konseho ng kanyang asawa at, sa maraming mga okasyon, ay kanyang pinauupo sa kanyang makabuti sa mataas na antas na pulong pampolitika.

Sa panahong iyon, ang mga kababaihan sa Ehipto ay nakakulong lang sa bahay o ang tinatawag na harem. Sa publiko naman, ang mga kababaihan ay inaasahang ipakita ang pagiging mahinhin sa pamamagitan ng pagtakip ng kanilang buhok at mukha sa isang tabing nakilala bilang ang hijab. Si Shaarawi ay nagalit sa naturang pagbabawal sa pananamit ng mga kababaihan at paggalaw. Sinimulan niyang mag-ayos ng mga lectures para sa mga kababaihan tungkol sa mga paksa na pingkaiinteresan ng mga kababaihan. Ito ay nagdala ng maraming mga kababaihan na lumabas sa kanilang mga tahanan at magpakita sa mga pampublikong lugar para sa unang pagkakataon. Kinumbinsi ni Shaarawi ang mga prinsesa upang makatulong sa kanyang pagtatag ng welfare ng mga babae upang magbigay ng pera para sa mga mahihirap na kababaihan ng kanilang bansa. Noong 1910, Binuksan ni Huda Shaarawi ang paaralan para sa mga batang babae na kung saan siya ay nakatutok sa pagtuturo ng pang-akademikong mga paksa kaysa sa mga praktikal na kasanayan tulad ng karalubhasaan sa pagpapaanak.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, maraming mga kababaihang umalis sa kani-kanilang mga harem upang maki-bahagi sa pampolitikang pagkilos laban sa tuntunin ng mga British. Noong 1919, si Shaarawi ay tumulong ayusin ang pinakamalaking grupong ng mga kababaihan na anti-British. Upang mapa-baliwala ang British order, ang mga kababaihan ay nanatiling nakatayo ng tatlong oras sa tapat ng mainit na araw.

Nagdesisyon si Shaarawi na ihinto ang pag-suot ng kanyang tabing sa publiko matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa noong 1922. Nagbabalik mula sa isang paglalakbay sa isang conference ng mga babe sa Europa noong 1923, siya ay tumayo sa tren at inalis ang kanyang tabing. Ang mga babae na dumating para batiin siya ay nagulat sa una at pagkatapos ay pinuri siya. May mga iba na nagtanggal na rin ng kanilang mga veils. Ito ay ang unang pampublikong pagsalungat ng mga babae sa mahigpit na tradisyon.

Kahit bilang isang batang babae, nagpakita siya ng kanyang pagsasarili sa pamamagitan ng pagpasok ng isang department store sa Alexandria at bumili ng kanyang sariling mga damit sa halip ng pagkakaroon ng mga ito na ipadadala sa kanyang bahay. Tumulong siya upang ayusin ang Mubarrat Muhammad Ali, isang organisasyong na panlipunang serbisyo nga mga babe, noong 1909 at ang Union ng mga Edukadang Egyptian na Babae noong 1914, ang taon kung saan siya ay naglakbay sa Europa para sa unang pagkakataon. Siya rin ay inihalal bilang presidente ng Central Committee ngaKababaihan ng Wafdist.

Noong 1923, si Shaarawi ay nagtatag at naging ang unang pangulo ng Union ng Egyptiang peminista Union, pagkatapos ng pagbabalik mula sa Kongreso ng International Woman Alliance sa Roma. Pinangunahan niya ang mga kababaihang Egyptian pickets sa ang pagbubukas ng Parlamentosa noong Enero 1924 at naisumite ang isang listahan ng mga pangangailangan ng makabayan at peminista, na kung saan ay hindi pinansin ng pamahalaan ng Wafdist, sa gayon siya ay nakatalaga mula sa Central Committee sa Wafdist Kababaihan. Siya patuloy na tumulong sa Union ng Egyptiang peminista hanggang sa kanyang kamatayan. Na-publish niya rin ang peministang magasinl'Egyptienn at el-Masreyya, at siya rin ang kumatawan ng Ehipto sa mga kababaihan congresses sa Graz, Paris,Amsterdam, Berlin, Marseilles, Istanbul, Brussels, Budapest,Copenhagen , Interlaken, at Geneva.

The harem years, ang isang libro na inilathala ni Shaarawi noong 1987,ay isang firsthand account ng pribadong mundo ng isang haremsa noong kolonyal Cairo, inirecall ni Shaarawi ang kanyang pagkabata ay buhay sa ng isang mataas na klase ng sambahayan ng Egyptian, kabilang ang kanyang kasal noong siya pa lang ay labintatlong gulang. Ang kanyang maagang paghihiwalay mula sakanyang asawa ang nagbigay sa kanya ng oras para sa kanyang pormal na edukasyon, pati na rin ng hindi inaasahang karanasang pagsasarili.

Si Shaarawi ay kasangkot sa mga matulungin na mga proyekto sa kanyang buong buhay. Noong 1908, nilikha niya ang unang mapagkawanggawang lipunan, na nag-aalok ng mga serbisyong panlipunan para sa mahihirap na mga kababaihan at mga bata. Ipinagtalo niya na ang mga kababaihan ay magpatakbo ng mga panlipunang proyekto at serbisyo ay mahalaga para sa dalawang kadahilanan. Una, sa pamamagitan ng makatawag pansin sa mga tulad na proyekto, ang mga kababaihan ay naipalawak ang kanilang kaalaman, kumuha ng praktikal na kaalaman at direktangang kanilang fokus sa palabas. Pangalawa, tulad ng ganitong mga proyekto, ay tulungan ang pananaw ng lahat na ang mga kababaihan na sila ay hindi nilalang ng kasiyahan at sila ay mga taong nangangailangan ng proteksiyon. Para kay Shaarawi, ang mga problema ng mga mahihirap ay malulutas sa pamamagitan ng kawanggawa na mga mayayaman, lalo na sa pamamagitan ng mga donasyon sa mga programang edukasyon. Sa kanyang paniniwala sa isang medyo romanticized na pagtingin ng ang buhay ng mahihirap na kababaihan, tiningnan niya ito bilang pasibong pagtanggap ng mga serbisyong panlipunanat ang mga mayayaman ay ang "mga tagapag-alaga at protectors ng bansa."

1. http://ar.wikipedia.org/w/index.php?title=%D9%87%D8%AF%D9%89_%D8%B4%D8%B9%D8%B1%D8%A7%D9%88%D9%8A&oldid=1810793 (accessed يونيو 22, 2008).

2. http://weekly.ahram.org.eg/2000/481/chrncls.htm Naka-arkibo 2008-01-11 sa Wayback Machine.

3. http://www.pinn.net/~sunshine/whm2001/huda2.html Naka-arkibo 2006-08-09 sa Wayback Machine.