Pumunta sa nilalaman

Hoxhaismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang selyo na naggugunita ng ika-60 kaarawan ni Enver Hoxha

Ang Hoxhaismo ay isang baryante ng kontra-rebisyonistang Marxismo-Leninismo na nabuo noong huling bahagi ng 1970s dahil sa pagkakahati sa kilusang kontra-rebisyonista, na lumitaw pagkatapos ng pampalakuruang alitan sa pagitan ng Partido Komunista ng Tsina at ng Partido ng Paggawa ng Albanya noong 1978. Ang palakuruan ay ipinangalan kay Enver Hoxha, isang kilalang komunistang pinuno ng Albanya na naglingkod bilang Unang Kalihim ng partido ng paggawa sa Albanya.