Pumunta sa nilalaman

Panunumpa ng katapatan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Huramento de fedilidad)

Ang panunumpa ng katapatan (Kastila: juramento de fidelidad, Ingles: fealty na mula sa Latin na fidelitas na nangangahulugang "katapatan") ay isang pangako ng katapatan ng isang tao sa isa pang tao. Sa Europang medyebal, ang panunumpa ng katapatan ay ginagawa ng isang basalyo sa kanyang panginoon. Ang palaging pagiging tapat sa panginoon ang isang bahagi nito. Sinisimbolo ng pagluhod sa harap ng panginoon at paglalagay ng kanyang mga kamay sa pagitan ng mga kamay ng kanyang panginoon ang pagiging "tao" ng panginoon ng basalyo. Nangangako naman ang panginoon ng isang fief o suporta.[1] Sa karaniwan, isinasagawa ang panunumpa sa isang relihiyosong bagay gaya ng Bibliya o relikiya ng isang santo na kadalasang nasa loob ng isang altar, sa gayon, binubuklod ang nanunumpa sa harap ng Diyos.

Ang panunumpa ng katapatan at pagpupugay ay ang mga susing elemento sa piyudalismong Europeo. Naiiba ang panunumpa ng katapatan mula sa ibang bahagi ng seremonya ng pagpupugay, at kadalasang ginagamit lamang ito upang tukuyin ang bahagi ng seremonya kung saan nanunumpa ang basalyo na maging mabuting basalyo sa kanyang panginoon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Saul "Feudalism" Companion to Medieval England pp. 102-105 (sa Ingles)
  2. McGurk Dictionary of Medieval Terms p. 13 (sa Ingles)