Hyatt 10
Tumutukoy ang pangalang "Hyatt 10" sa isang grupong binubuo ng pitong kalihim ng Gabinete at tatlong pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas na bumitiw mula sa kanilang mga puwesto noong 8 Hulyo 2005 dulot ng Iskandalong Hello Garci, kung saan hinihinalang sangkot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pandaraya noong pangkalahatang halalan ng 2004 upang maging pabor ang resulta nito sa kaniya.[1]
Binansagang "Hyatt 10" ang grupo dahil inihayag sa Hyatt Regency Hotel sa Lungsod ng Pasay ang pagbitiw sa puwesto ng mga kasapi ng grupo. Maimpluwensiya (influential) pa rin ngayon ang grupo sa lokal na politika sa Pilipinas, kung saan ilan sa mga kasapi nito ay sumali sa pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III, na sumunod kay Arroyo bilang pangulo.
Mga kasapi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayo 10 orihinal na kasapi sa Hyatt 10
- Florencio Abad, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
- Corazon "Dinky" Soliman, Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
- Emilia Boncodin, Kalihim ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
- Cesar Purisima, Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi
- Rene Villa, Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan
- Juan Santos, Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
- Guillermo Parayno, Tagapangulo ng Kawanihan ng Rentas Internas
- Alberto Lina, Tagapangulo ng Kawanihan ng Aduwana
- Imelda Nicolas, Punong Tagapagtanghal ng Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan
- Teresita Deles, Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "How 'Hyatt 10' was formed". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. 9 Hulyo 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Pebrero 2012. Nakuha noong 24 Setyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)