IP address
Ang isang IP address (Internet Protocol address) ay isang de-numerong etiketa (label) na itinatalaga sa bawat aparato (halimbawa, computer, printer) na kalahok sa isang computer network na gumagamit ng Internet Protocol para sa komunikasyon.[1] Ang isang IP address ay may dalawang pangunahing tungkulin: host o network interface identification at location addressing. Ang papel nito ay mailalarawan sa sumusunod: "Isang pangalan na nagtuturo ng hinihingi natin. Isang address kung saan ito matatagpuan. Isang ruta na nagtuturo kung paano kapunta doon."[2]
Itinalaga ng mga nagdisenyo ng Internet Protocol na ang isang IP address ay isang 32-bit na numero[1] at ang sistemang ito, na tinatawag na Internet Protocol Version 4 (IPv4), ay ginagamit pa rin sa kasalukuyan. Gayunpaman, dahil sa paglago ng Internet at ang prediksiyon na pagkaubos ng mga magagamit na address, isang bagong bersyon ng IP (IPv6), na gumagamit ng 128 bits para sa address, ay binuo noong 1995.[3] Ang IPv6 ay ginawang pamantayan bilang bilang RFC 2460 noong 1998,[4] at patuloy ang pag-deploy nito mula kalagitnaan ng dekada 2000.
Ang IP address ay karaniwang nakasulat sa notasyong maaring mabasa ng tao, tulad ng 172.16.254.1 (IPv4), at 2001:db8:0:1234:0:567:8:1 (IPv6).
Ang Internet Assigned Numbers Authority (IANA) ang namamahala ng paglaan espasyo ng mga IP address sa buong mundo at naghirang limang regional Internet registry (RIR) upang magtalaga ng mga bloke ng IP address sa mga lokal na Internet registry (Internet service provider) at iba pang mga entidad.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 RFC 760, DOD Standard Internet Protocol (January 1980)
- ↑ RFC 791, Internet Protocol – DARPA Internet Program Protocol Specification (September 1981)
- ↑ RFC 1883, Internet Protocol, Version 6 (IPv6) Specification, S. Deering, R. Hinden (December 1995)
- ↑ RFC 2460, Internet Protocol, Version 6 (IPv6) Specification, S. Deering, R. Hinden, The Internet Society (December 1998)