Islamikong Estado

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ISIS)
Jump to navigation Jump to search
Islamikong Estado
الدولة الإسلامية (Arabe)
ad-Dawlah al-ʾIslāmiyyah
Rayat al-`Uqab, the "Eagle Banner"; also called the black flag of jihad
'Pambansang Kasabihan: 'باقية وتتمدد
"Bāqiyah wa-Tatamaddad" (transliterasyon)
"Nananatili at Lumalaki"
[1][2]
Teritoryong hawak ng Islamikong Estado batay noong ika-20 ng Disyembre 2014

Padron:Leftlegend Padron:Leftlegend Padron:Leftlegend

Note: map includes uninhabited areas.
Pununglunsod* Raqqah, Sirya (2013-17)[3][4]
Pamahalaan Islamikong kalipato
 -  Pinuno Abu Bakr al-Baghdadi, Kalifa Ibrahim[9][10]
Pagkakatatag
 -  Deklarasyon ng Islamikong Estado ng Irak at Levant ika-9 ng Abril 2013[11] 
 -  Pagkatatag ng kalipato ika-29 ng Hunyo 2014 
Pook ng oras Arabia Standard Time (TPO+3)
Kodigong pantawag +963 (Sirya)
+964 (Iraq)

Ang Islamikong Estado (Arabe: الدولة الإسلامية, ad-Dawlah al-ʾIslāmiyyah), na dating kilala bilang Islamikong Estado ng Irak at Levant (ISIL) at Islamikong Estado ng Irak at Sirya (ISIS), ay isang hindi kinikilalang estadong jihadista sa Gitnang Silangan. Ito ay itinuturing na teroristang samahan ng mga pamahalaang kanluranin gaya ng Estados Unidos, Canada, Nagkakaisang Kaharian, at marami pang iba.

Dating kasapi ng teroristang grupong al-Qaeda bilang al-Qaeda sa Irak noong 2004, tumiwalag ang ngayo'y ISIS mula sa nasabing grupo, sanhi ng pagkastigo ng una sa huli ng hindi pagkonsulta sa kanila at ng kanilang "pagkaberdugo" noong Pebrero 2014. Bago pa man nito, nasa kanlurang Irak ang kanilang teritoryong sinasakupan; noong 2013, umabot na sa Sirya ang kanilang sakop. Sanhi nito, naging Islamikong Estado ng Irak at Sirya ang pangalan ng grupo noong kaparehas na taon.

Simula noong ika-29 ng Hunyo ng kaparehas na taon, ipinahayag ng grupo ang pandaigdigang kalipato, habang si Abu Bakr al-Baghdadi naman ang nagsisilbing kalifa nila sa pangalang Kalifa Ibrahim, bagkus naging Islamikong Estado na lamang ang pangalan ng estado. Bilang kalipato, inaangkin ng grupo na pinamumunuan nila ang lahat ng mga Muslim sa daigdig.

Bilang pinakamalaking teroristang grupo sa daigdig, sa kasalukuyan mayroon silang tinatayang 200,000 terorista sa Irak at Sirya, habang may tinatayang 30,000 terorista naman ang meron sila sa Libya, Ehipto, Pakistan, Afghanistan, Algeria, at sa Timog-Silangang Asya, kabilang na ang Pilipinas.

Kilala ang grupo sa kanilang madugong propaganda, kasali ang kanilang pampupugot ng mga ulo ng kanilang mga bihag na kanila namang inilalagay sa Internet.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Hassan, Hassan (11 Hunyo 2014). "Political reform in Iraq will stem the rise of Islamists". The National. Hinango noong 18 Hunyo 2014.
  2. Khatib, Lina (12 Hunyo 2014). "What the Takeover of Mosul Means for ISIS". Carnegie Endowment for International Peace. Hinango noong 18 Hunyo 2014.
  3. "ISIS on offense in Iraq". Al-Monitor. 10 Hunyo 2014. Hinango noong 11 Hunyo 2014.
  4. Kelley, Michael B. (20 Agosto 2014). "One Big Question Surrounds The Murder Of US Journalist James Foley By ISIS". Business Insider. Hinango noong 20 Agosto 2014. ...the de facto ISIS capital of Raqqa, Syria...
  5. "ISIS 'essentially moved' its Syria HQ from Raqqa to Deir ez-Zor province". RT. 23 April 2017.
  6. "Syrian army captures Mayadin from ISIS near Deir ez-Zor". Rudaw. 14 October 2017.
  7. Sarah Benhaida & Ahmad al-Rubaye (26 October 2017). "Iraq forces launch 'last big fight' against IS". Rudaw.
  8. Francesco Bussoletti (29 June 2018). "Syria, the Isis pockets of resistance at Deir Ezzor are reduced to two". Difesa & Sicurezza. Hinango noong 6 July 2018.
  9. Rubin, Alissa J. (5 Hulyo 2014). "Militant Leader in Rare Appearance in Iraq". The New York Times. Hinango noong 6 Hulyo 2014.
  10. "ISIS Spokesman Declares Caliphate, Rebrands Group as Islamic State". SITE Institute. 29 Hunyo 2014. Hinango noong 29 Hunyo 2014.
  11. "Iraqi al Qaeda wing merges with Syrian counterpart". Reuters. 9 Abril 2013. Hinango noong 9 Agosto 2014.