Idiyoma
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi maakda — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Isa rin itong parirala o padamdam na tipikal na pinapakita ang patalinghaga, di-tuwid na kahulugan na nakakabit sa parirala; subalit may ilang parirala ang nagiging idiyomang patalinghaga habang pinapanatili ang tuwirang kahulugan ng parirala. Inuuri bilang wikang pormulado, ang patalinghagang kahulugan ng idiyoma ay iba mula sa tuwirang kahulugan.[1] Madalas nagkakaroon ng idiyoma sa lahat ng wika; sa Ingles pa lamang, mayroon nang tinatayang dalawampu't limang milyong padamdam na idiyomatiko.[2]
Halimbawa
- butas ang bulsa – walang pera
- ilaw ng tahanan – ina
- alog na ang baba – matanda na
- alimuom – baho
- bahag ang buntot – duwag
- ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) – tandaan
- bukas ang palad – matulungin
- kapilas ng buhay – asawa
- nagbibilang ng poste – walang trabaho
- basag ang pula – luko-luko
- ibaon sa hukay – kalimutan
- taingang kawali – nagbibingi-bingihan
- buwayang lubog – taksil sa kapwa
- pagpaging alimasag – walang laman
- tagong bayawak – madaling makita sa pagkukubli
- pantay na ang mga paa – patay na
- mapurol ang utak – mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
- maitim ang budhi – tuso
- balat-sibuyas – mabilis masaktan o maselan
- pusong bakal – di marunong magpatawad, matigas na kalooban
- putok sa buho – ampon
- may bulsa sa balat – kuripot
- balat-kalabaw – matigas ang balat; hindi maselan
- may gintong kutsara sa bibig – pagkapanganak ay mayaman na
- kusang-palo – sariling sipag
- usad pagong – mabagal kumilos
- umuulan ng lalaki at babae – maraming lalaki at babae
- nakalutang sa ulap – masaya
- malaki ang ulo – mayabang
- itaga sa bato – ilagay sa isip; matinding pagpapatunay ng pangako
- ginintuang puso – mabuting kalooban
- takip-silim – malapit nang gumabi
- tulog langis – mahibing ang tulog
- tulog manok – matagal makagawa ng tulog / mabilis magising
- pagsunog sa kilay – pag-aaral ng mabuti
- saling pusa – nakikisali