Pumunta sa nilalaman

Ikalawang Tratado ng Dakilang Seth

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ikalawang Tratado ng Dakilang Seth o Second Treatise of the Great Seth ay isang apokripal na gnostikong kasulatan na natuklasan sa Aklatang Nag Hammadi noong 1945 at pinetsahan nang ika-3 siglo CE. Ang may akda nito ay hindi kilala at ang Seth na tinutukoy sa pamagat nito ay hindi makikita sa teksto. Bagkus nito, si Seth ay inakalang tumutukoy sa ikatlong anak ni Adan at Eba na ang gnosis ay unang inhayag ayon sa ilang mga gnostiko. Ang may akda nito ay lumalabas na kabilang sa pangkat ng mga gnostiko na naniniwalang si Hesus ay hindi ipinako sa krus. Bagkus, sa tekstong ito, sinasabing si Simon na taga Cireneo ang napagkamalang si Hesus at ito ang ipinako sa lugar ni Hesus. Si Hesus ay inilalarawan na nakatayo at "tumatawa sa kanilang kamangmangan." Ang mga naniniwalang si Hesus ay namatay sa krus ay sinasabing naniniwala sa "isang doktrina ng isang patay na tao.". Ang lahat ng walang gnosis kabilang ang mga naging paniniwalang ortodokso gayundin ang mga pigurang gaya nina Adan, Abraham, Jacob, David, Solomon, mga propeta at Moises ay tinutukoy na "katatawanan". Ang tekstong ito ay nagpapakita ng panunuya na naramdaman ng mga gnostiko tungo sa mga hindi natanto ang katotohanan; na ang bibliya ay hindi totoo(kahit papaano sa ilang mga mahalagang respeto) at ang diyos ng mga Hudyo ay hindi totoong diyos. Tanging ang mga gnostiko ang may paglapit sa katotohanan. Ang ilang mga gnostiko ay naniniwalang si Hesus ay hindi isang tao hindi isang docetistikong espirito at kaya ay hindi maaaring mamatay. Mula sa salin nina Roger A. Bullard at Joseph A. Gibbons:

"Pagkat ang aking kamatayan, na kanilang inisip na nangyari, (nangyari) sa kanila sa kanilang kamalian at pagkabulag, dahil kanilang pinako ang kanilang tao sa kanilang kamatayan... Ito ay iba, ang kanilang ama, na uminom ng apdo at suka; hindi ako. Kanilang hinampas ako ng tambo; ito ay iba, si Simon na nagdala ng krus sa kanyang balikat, Ito ay iba na kanilang nilagyan ng korono ng tinik... Ako ay tumatawa sa kanilang kamangmangan."(si Kristo bilang sinasabing naghahayag)


Ang Treatise of the Great Seth ay isinulat mula sa unang personang perspektibo ni Kristo. Sa simula ng aklat na ito, isinaad ni Kristo:

"Ako ay bumisita sa isang tahanang pangkatawan. Aking tinaboy ang isa na narito sa nakaraan, at ako ay pumasok."[1]

Ang pahayag na ito ay nagpapakitang si Kristo ay tumahan sa isang katawang tao na dating kabilang sa iba pa na nangangahulugang ang katawan ay hindi kanya. Ang Kristo ay nagpapaliwanag rin na ang nilalang na lumikha ng mundo ay hindi Isang Tunay na Diyos. Bagkus ay ipinahayag ni Kristo:

"Bagaman nabihasa natin ang kanyang doktrina sa paraang ito, siya ay namumuhay sa kapalaluan at siya ay hindi umaayon sa ating Ama. Sapagkat siya ay isang katatawanan sa (kanyang) paghatol at bulaang propesiya."[2]

Ito ay nagpapakitang ang pananaw na gnostiko ng diyos ng Biblyang Hebreo ay hindi ang Isang Tunay na Diyos kundi bagkus ay isang mababang nilalang na tinatawag na Demiurge na nilikha ni Sophia. Ang Kristo ay gumawa rin ng mga pahayag na nag-aangkin sina Adan, Moises at Juan Bautista ay mga "katatawanan". Kanyang sinabi:

"Hindi siya ni ang mga bago sa kanya, mula kay Adan hanggang kay Moises at Juan Bautista, wala sa kanila ang nakakilala sa akin o sa aking kapatiran. Sapagkat ang isang doktrina ng mga anghel ang lumitaw mula sa kanila, upang panitilihin ang mga patakarang pang-pagkain at mapait na pang-aalipin. Hindi nila kailanman nalaman ang katotohanan ni hindi nila ito malalaman sapagkat may isang dakilang pandaraya sa kanilang kaluluwa..."[3]

Ang Kristo ay nagsasabing ang mga kilalang pigurang ito ay mga "katatawananan" dahil ang mga ito ay naniniwala na ang Demiurge ang Isang Tunay na Diyos at hindi nito nalaman ang Katotohanan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ehrman, Bart (2003). Lost Scriptures. Oxford: Oxford University Press. pp. 82–86.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ehrman, Bart (2003). Lost Scriptures. Oxford: Oxford University Press. pp. 82–86.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ehrman, Bart (2003). Lost Scriptures. Oxford: Oxford University Press. pp. 82–86.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]