Pumunta sa nilalaman

Ika-2 milenyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ikalawang milenyo)
Milenyo: unang milenyo - ikalawang milenyo - ikatlong milenyo

Ang ika-2 milenyo ng Anno Domini o Common Era o Karaniwang Panahon ay isang milenyo na sumasaklaw sa mga taong 1001 hanggang 2000 (ika-11 hanggang ika-20 dantaon).

Pumapaloob sa panahon na ito ang Mataas at Huling Gitnang Panahon ng Lumang Mundo, ang Ginintuang Islamikong Panahon at ang panahon ng Renasimiyento, na sinundan ng Maagang Makabagong panahon, na nakikilala sa mga Digmaan ng Relihiyon sa Europa, ang Panahon ng Pagkamulat, ang Panahon ng Pagtuklas at ang panahon ng kolonisasyon.

Ginagamit sa Europa ang kalendaryong Huliyano noong simula ng milenyo, at lahat ng mga bansa na minsa'y ginamit ang kalendaryong Huliyano ay pinagtibay ang kalendaryong Gregoryano noong sa pagtatapos ng milenyo. Sa kadahilanang ito, ang huling petsa ng ikalawang milenyo ay kadalasang kinakalkula base sa kalendaryong Gregoryano, habang ang simulang petsa ay base sa kalendaryong Huliyano (o paminsan-minsan, ang proleptikong kalendaryong Gregoryano).

Noong huling bahagi ng dekada 1990, may mga pagtatalo kung dapat ba na ang katapusan ng milenyo ay sa Disyembre 31, 1999, o Disyembre 31, 2000. Ipinaliwanag ni Stephen Jay Gould noong mga panahon na iyon na walang obhetibong paraan sa pagpasya sa tanong na ito.[1] Inulat ng Associated Press na nagsimula ang ikatlomg milenyo noong Enero 1, 2001, subalit inulat na ang mga pagdiriwang sa Estados Unidos ay napigil sa simula ng 2001, kumpara sa pagsimula ng 2000.[2] Maraming pampublikong pagdiriwang para sa katapusan ng ikalawang milenyo ay ginanap noong Disyembre 31, 1999 – Enero 1, 2000 [3]—na may ilang tao na minamarka ang dulo ng milenyo pagkatapos ng sumunod na taon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stephen Jay Gould, Questioning the Millennium: A Rationalist's Guide to a Precisely Arbitrary Countdown (New York: Harmony Books, 1999), ch 2. (sa Ingles)
  2. Associated Press, "Y2K It Wasn't, but It Was a Party", Los Angeles Times, Enero 1, 2001 (sa Ingles).
  3. "Millennium FAQs – Frequently Asked Questions". When does the Millennium start? (sa wikang Ingles). Greenwich2000.ltd.uk. 2008-08-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2009. Nakuha noong 2009-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)