Pumunta sa nilalaman

Icarus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ikaro)
Si Daedalus at ang kaniyang anak na si Icarus.

Sa mitolohiyang Griyego, si Icarus o Ikarus (Sinaunang Griyego: Ἴκαρος, Íkaros, Etruskano: Vikare[1]) ay ang anak na lalaki ng dalubhasa sa kasanayan na si Daedalus. Ang pangunahing kuwento na nagsasalaysay ng hinggil kay Icarus ay ang kaniyang pagtatangka na tumakas magmula sa Creta sa pamamagitan ng mga pakpak na binuo ng kaniyang ama magmula sa mga balahibo at pagkit. Binalewala niya ang mga tagubilin na huwag lumipad nang napakalapit sa araw, kung kaya't ang natutunaw na pagkit ay nagdulot sa kaniya na bumagsak sa dagat kung saan nalunod siya. Ang mito ay mayroong mga pagkakahalintulad sa mito hinggil kay Phaëton—na kapwa isinasaalang-alang bilang mga kahambal-hambal na mga halimbawa ng hubris o nabigong ambisyon—at madalas na inilalarawan sa sining. Sa kasalukuyan, ang Akademiya ng Hukbong Panghimpapawid na Heleniko ay ipinangalan kay Icarus, na tinatanaw bilang pangmitong tagapanimula ng pagtatangka ng Gresya na sakupin ang himpapawid.

Ang ama ni Icarus na si Daedalus, isang may talento at kahanga-hangang dalubhasa ng kasanayan mula sa Athens, ay ang lumikha ng labirinto para kay Haring Minos ng Creta malapit sa palasyo ng haring ito na nasa Knossos upang maibilanggo ang Minotauro, isang halimaw na kahalating tao at kalahating toro na ipinanganak ng asawa ng hari at ng torong Kretano. Ibinilanggo rin ni Minos si Daedalus sa loob ng labirinto dahil binigyan ni Daedalus ang anak na babae ni Minos na si Ariadne ng isang kidkid o "bola" ng pisi o tali upang matulungan si Theseus, isang kaaway ni Minos, upang makatakas mula sa labirinto at magapi ang Minotauro.

Lumikha si Daedalus ng dalawang mga paris ng mga pakpak magmula sa pagkit at sa mga balahibo para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang anak na lalaki. Unang sinubukan ni Daedalus ang kaniyang mga pakpak, subalit bago lumipad magmula sa pulo, binigyan niya ng babala ang kaniyang anak na lalaki na huwag lumipad nang napakalapit sa araw, at huwag ding napakalapit sa dagat, bagkus ay sundan lamang ang landas na tinatahak niya sa paglipad. Dahil sa lubhang pagkalula habang lumilipad, pumailanglang si Icarus sa kahabaan ng himpapawid na mayroong pag-uusisa, subalit habang ginagawa ito ay naging napakalapit niya sa araw, kung kaya't natunaw ang pagkit. Nagpatuloy sa Icarus sa pagpapagaspas ng kaniyang mga pakpak subalit napag-alaman niya pagdaka na wala na siyang mga balahibong natitira at ang ipinapagaypay lamang niya ay ang kaniyang nakalantad na mga bisig, sa kung gayon ay nahulog si Icarus patungo sa dagat sa isang pook na ipinangalan sa kaniya, ang Dagat Icareano na malapit sa Icaria, isang pulo na nasa timog-kanluran ng Samos.[2][3][4]

Nagbigay ang mga manunulat na Helenistiko ng iba't ibang mga bersiyon na mayroong euhemerismo kung saan ang pagtakas magmula sa Creta ay talagang sa pamamagitan ng isang bangka, na ibinigay ni Pasiphaë, kung kailan inimbento ni Daedalus ang unang mga layag, upang maiwanan nang malayo ang tumutugis na mga bangka ni Minos, at sinasabing si Icarus ay nahulog sa dagat habang tinatahak ang ruta papunta sa Sicily at nalunod. Nagtayo si Heracles ng isang puntod para sa kaniya.[5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Larissa Bonfante, Judith Swaddling, Etruscan Myths, p. 43
  2. Graves, Robert (1955). "92 – Daedalus and Talus". The Greek Myths. ISBN 0-14-007602-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Thomas Bullfinch - The Age of Fable Stories of Gods and Heroes KundaliniAwakeningSystem.com Naka-arkibo 2013-01-24 sa Wayback Machine. & The Internet Classics Archive by Daniel C. Stevenson : Ovid - Metamorphoses - Book VIII + Translated by Rolfe Humphries - KET Distance Learning Naka-arkibo 2012-06-14 sa Wayback Machine. 2012-01-24
  4. Isinalinwika ni A. S. Kline - Aklatan ng Pamantasan ng Virginia.edu Nakuha noong 2005-07-03
  5. Smith, William, pat. (1849). A Dictionary of Greek and Roman Biography and Mythology.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Pinsent, J. (1982). Greek Mythology. New York: Peter Bedrick Books. ISBN 0-600-55023-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]