Pumunta sa nilalaman

Ilog Yenisei

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilong Yenisei malapit sa Krasnoyarsk.

Ang Yenisei (Ruso: Енисе́й), binabaybay ding Yenisey[1], ay ang pinakamalaking sistema ng ilog na dumadaloy papunta sa Karagatang Artiko, at sa habang 5,539 km (3,445 mi), ito ang panlimang pinakamahabang ilog sa mundo. Mula sa pagbangon nito sa Monggolya, tinutunton nito ang isang daanang pahilaga patungo sa Golpo ng Yenisei sa Dagat ng Kara, na nagbubuhos ng isang malaking bahagi ng gitnang Siberia, ang pinakamahabang batis kasunod ng Yenisei-Angara-Selenga-Ider.

Ang pang-itaas na mga abot nito, depende sa mga bahagi ng ilog na matarik at kung saan mabilis ang agos ng tubig at sa pagbaha, ay dumaraan sa mga lugar na madalang ang bilang ng mga tao. Tinatabanan ang gitnang seksiyon nito ng isang magkakasunod na mga prinsang hidroelektrikong nagbibigay ng enerhiya sa malaking bilang ng mga pangunahing industriya sa Rusya. Bahaging ginawa ng mga manggagawang gulag noong mga kapanahunan ng Sobyet, nananatili ang kontaminasyong industriyal bilang isang malalang suliranin sa pook na mahirap bantayan. Sa pagdaloy nito sa may madalang na populasyong taiga, namimintog at lumalakas ang Yenisei na may maraming mga tributaryo at nagwawakas sa pagsapit sa Dagat ng Kara sa walang naninirahang tundra, kung saan nagiging niyebe o yelo ito sa loob ng kalahatian ng taon.

Pinakamalalim na sukat ng Ilog ng Yenisei ang 80 mga talampakan (24 mga metro) at may pangkaraniwang lalim na 45 mga talampakan (14 mga metro). Kaugnay ng kalaliman ng ilog, nagiging 106 mga talampakan (32 mga metro) ang palabas na daloy ng tubig at nagiging 101 mga talampakan (31 mga metro) ang paloob na agos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Yenisey". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 31.


HeograpiyaRusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.