Pumunta sa nilalaman

Teknolohiyang pang-impormasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Impormasyong teknolohiya)

Ang teknolohiyang pangkabatiran, tinatawag ding teknolohiyang pang-impormasyon, teknolohiya ng kabatiran, o teknolohiya ng impormasyon (Ingles: Information Technology, na dinadaglat bilang IT) ay ang pagaaral, pagdidibuho, pagbubuo, paglilingap o pangangasiwa ng mga sistemang pangkabatiran na nakabatay sa kompyuter[1]. Hinggil ito lalong-lalo na sa pag-gamit ng kompyuter at software upang baguhin, tipunin, ingatan, iproseso, ipadala at tanggapin ang mga kabatirang elektorniko sa pamamagitan ng matatag at siguradong pamamaraan.

Malawak ang saklaw ng teknolohiyang pangkabatiran kaya naman iba't-ibang tungkulin ang maaaring gawin ng mga taong bihasa rito. Ang pangangasiwa ng mga datos, pagsasaayos ng network, pagbubuo ng mga kompyuter, pagdidibuho ng database at software at pati na rin ang pamamahala ng mga buong sistemang pangkabatiran ay ilan lamang sa mga tungkuling ito.

Ang teknolohiya ng impormasyon ay nababagay sa mga makabagong teknolohiyang gumagamit ng pagpoproseso sa de-kuryenteng paraan at bumabasa ng mga impormasyong ang mga enkriptor (na sa Ingles ay encryptor) lamang ang makababasa at makaiintindi, tulad ng mga kompyuter, cellphone, at iba pa. Sa kasalukuyan, ginagamit ang mga salita sa pagtuturo sa mga kolehiyong nagtuturo ng mga bagay na gumagamit ng de-kuryenteng pagpoproseso at sa iba't ibang kagamitang gumagamit ng ganitong uri ng teknolohiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Information Technology Definitions" (PDF). Information technology Association of America. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-03-04. Nakuha noong 2009-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.