InSight
Ang InSight ay isang robotic Mars lander na dinisenyo upang pag-aralan ang loob at subsurface ng Mars.[1] Ang misyon ay inilunsad noong 5 Mayo 2018 11:05 UTC[2] at ay inaasahan lumapag sa ibabaw ng Mars (landing site: Elysium Planitia) sa 26 Nobyembre 2018,[3][4] kung saan maglalagay ng isang seismometer at mababaon ng heat probe. Gagawa rin ito ng isang radio science experiment upang pag-aralan ang panloob na estruktura ng Mars.[5]
Ang lander ay yari ng Lockheed Martin Space System at orihinal na binalak na ilunsad noong Marso 2016.[6][7] Dahil sa kabiguan ng kanyang instrumentong SEIS bago ang paglunsad, inihayag ng NASA noong Disyembre 2015 na ang misyon ay ipapagpaliban, at noong Marso 2016, ang paglunsad ay itinakda para sa 5 Mayo 2018, at matagumpay naman itong inilunsad. Ang pangalan ko ay isang backronym para Interior Exploration using Seismic Investigations, Geodesy and Heat Transport.
Ang layunin ng Insight ay maglagay ng isang nakapirmeng lander na may isang seismometer at heat transfer probe sa ibabaw ng Mars upang pag-aralan ang maagang ebolusyong geological ng planeta. Ito ay maaaring magdala ng bagong pag-unawa sa mga planetang terrestrial ng Solar System — Mercury, Venus, Earth, Mars — at ng Buwan. Sa paggamit muli ng teknolohiya mula sa Mars Phoenix lander, na matagumpay na lumapag sa Mars noong 2008, inaasahan na ang gastos at panganib ay nabawasan.
Dahil sa isang paulit-ulit na vacuum failure sa mga pangunahing scientific instruments, nalampasan ang launch window, at ang InSight spacecraft ay ibinalik sa pasilidad ng Lockheed Martin sa Denver, Colorado, para itago. Nagpasya ang mga opisyal ng NASA noong Marso 2016 na gumastos ng tinatayang US$150 milyon sa pagka-antala ng paglulunsad ng InSight sa Mayo 2018. Ito ay nagbigay ng oras upang maayos ang isyu sa seismometer, ngunit nadagdagan naman ang gastos mula sa nakaraang US$675 milyon sa kabuuang $830 milyon.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chang, Kenneth (30 Abril 2018). "Mars InSight: NASA's Journey Into the Red Planet's Deepest Mysteries – The newest mission to Mars is to launch on Saturday morning. It will search for marsquakes and try to produce a map of the planet's insides". The New York Times. Nakuha noong 30 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agle, D.C.; Good, Andrew; Brown, Dwayne; Wendel, JoAnna (5 Mayo 2018). "NASA, ULA Launch Mission to Study How Mars Was Made". Nakuha noong 5 Mayo 2018.
{{cite web}}
: More than one of|first1=
at|first=
specified (tulong); More than one of|last1=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chang, Kenneth (5 Mayo 2018). "NASA's InSight Launches for Six-Month Journey to Mars". The New York Times. Nakuha noong 5 Mayo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About InSight's Launch". NASA. Nakuha noong 8 Pebrero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What are InSight's Science Tools?". NASA. Nakuha noong 8 Pebrero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Vastag, Brian (20 Agosto 2012). "NASA will send robot drill to Mars in 2016". The Washington Post.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David, Leonard (14 Nobyembre 2017). "NASA's Next Mars Lander Zooms toward Launch". Scientific American. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Nobyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Webster, Guy; Brown, Dwayne; Cantillo, Laurie (2 Setyembre 2016). "NASA Approves 2018 Launch of Mars InSight Mission". NASA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Disyembre 2019. Nakuha noong 8 Enero 2018.
{{cite web}}
: More than one of|first1=
at|first=
specified (tulong); More than one of|last1=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)