Ang Inaamin Ko (Latín: Confiteor) ay isang panalangin na ginagamit sa banal na Misa sa Akto ng Pagsisisi. Ang kasalukuyang kilos na isinasagawâ saliw ng pagbigkas nito ay ang pagdídibdib sa sarili ng tatlong beses sa mga katagang, 'sa isip, sa salitâ, sa gawâ, at sa aking pagkukulang.' Hangò ang pangalan nito sa incipit (Latín, 'panimulâ').
Ang bersyóng Latín sa Misal Romano ng 1962 ay higit na nakahahabâ at ibinibigkás nang dalawáng beses, sa unang pagkakataón ng pari at sa ikalawá ng sakristán. Ang kaibahán lang ay ibinabago ng sakristán ang katagáng "et vobis, fratres", "et vos, fratres" ('at sa inyó, mga kapatíd') upang maging "et tibi, pater" at "et te, pater" ('at kayó, Padre').
Text (in Latin)
Confíteor Deo omnipoténti, beatæ Mariæ semper Vírgini, beato Michäeli Archángelo, beato Ioanni Baptístæ, sanctis Apóstolis Petro et Paulo, ómnibus Sanctis, et vobis, fratres: quia peccávi nimis cogitatióne, verbo et ópere: mea culpa, mea culpa, mea máxima culpa. Ídeo precor beatam Maríam semper Vírginem, beatum Michäelem Archángelum, beatum Ioannem Baptístam, sanctos Apóstolos Petrum et Paulum, omnes Sanctos, et vos, fratres, oráre pro me ad Dóminum Deum nostrum.[1]
Tagalog ('di-opisyal)
Inaamin ko sa Diyós na Makapangyayarì sa lahát, kiná Santa Maríang laging-Birhen, San Miguel Arkánghel, San Juan Bautista, mga Santo Apostól na siná Pedro at Pablo, at sa lahat na mga Banál, at sa inyó, mga kapatíd, na akó'y nagkasalà sa isip, sa salitâ, at sa gawâ: aking salà, aking salà, aking lubháng kasalanan. Kayâ isinasamo ko kiná Santa Maríang Birhen, San Miguel Arkánghel, San Juan Bautista, mga Santo Apostól na siná Pedro at Pablo, at sa lahát na Banál, at sa inyó, mga kapatíd, na ako'y ipanalangin sa Panginoón nating Diyós.
Kabilang sa mga pagkakataon ng bahagyang pagsusog nito ang pagsingit dito ng mga Pransiskano ng ngalan ng kanilang tagapagtatag na si San Francisco ng Asisi,[2] at ng mga Benediktino sa ngalan ni San Benito.