Inahing Gansa
Ang pigura ng Inahing Gansa o Mother Goose sa Ingles ay ang piksiyong may-akda ng isang koleksiyon ng mga Pranses na kuwentong bibit at nang lumaon ng Ingles na tugmaang pambata.[1] Bilang isang tauhan, lumitaw siya sa isang kanta, ang unang saknong na madalas na gumagana ngayon bilang isang tugmaang pambata.[2] Ito, gayunpaman, ay nakadepende sa isang Pamaskong pantomime, isang kahalili na isinasagawa pa rin sa Nagkakaisang Kaharian.
Ang paglitaw ng termino sa Ingles ay nagsimula noong unang bahagi ng ika-18 siglo, nang unang isinalin sa Ingles ang koleksiyon ng mga kuwentong bibit ni Charles Perrault, Contes de ma Mère l'Oye, bilang Mga Kuwento ng Aking Inahing Gansa. Nang maglaon, isang Ingles na pagititpon ng mga tugmaang pambata, na pinamagatang Mother Goose's Melody, o, Sonnets for the Cradle, ang tumulong sa pagpapanatili ng pangalan sa Britanya at Estados Unidos.
Ang tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakilala ang pangalan ng Inahing Gansa sa mga Ingles na koleksiyon ng mga kuwento at tugmaang pambata na pinasikat noong ika-17 siglo. Marapating pamilya na ang mga Ingles na mambabasa kay Inang Hubbard, isang stock na tauhan nang ilathala ni Edmund Spenser ang satirang Mother Hubberd's Tale noong 1590, gayundin ang mga katulad na kuwentong bibit na ikinuwento ni "Mother Bunch" (ang alyas ni Madame d'Aulnoy) noong dekada 1690.[3] Lumilitaw ang isang maagang pagbanggit sa isang tabi sa isang sari-saring kronikong Pranses ng lingguhang mga pangyayari, ang La Muse Historique ni Jean Loret, na nakolekta noong 1650.[4] Ang kaniyang pahayag, comme un conte de la Mère Oye ("tulad ng isang kuwento ng Inahing Gansa") ay nagpapakita na ang termino ay kaagad na naunawaan. Ang mga karagdagang sanggunian ng Inahing Gansa/Mere l'Oye noong ika-17 siglo ay lumalabas sa panitikang Pranses noong dekada 1620 at dekada 1630.[5][6][7]
Hinuha hinggil sa pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-20 siglo, sinabi ni Katherine Elwes-Thomas na ang imahen at pangalang "Inahing Gansa" o "Mère l'Oye" ay maaaring batay sa mga sinaunang alamat ng asawa ni Haring Roberto II ng Pransiya, na kilala bilang "Berthe la fileuse" ("Bertha the Spinner") o Berthe pied d'oie ("Goose-Footed Bertha"), kadalasang inilarawan bilang umiikot na hindi kapani-paniwalang mga kuwento na nagpabighani sa mga bata.[8] Itinuro ng ibang mga iskolar na ang ina ni Carlomagno, si Bertrada ng Laon, ay nakilala bilang reyna ng goose-foot (regina pede aucae).[9] May mga pinagmumulan pa nga na sumusubaybay sa pinagmulan ni Inahing Gansa pabalik sa biblikal na Reyna ng Saba.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Macmillan Dictionary for Students Macmillan, Pan Ltd. (1981), p. 663. Retrieved 2010-7-15.
- ↑ See, for instance, item 364 in Peter and Iona Opie, The Oxford Dictionary of Nursery Rhymes, 1997.
- ↑ Ryoji Tsurumi, "The Development of Mother Goose in Britain in the Nineteenth Century" Folklore 101.1 (1990:28–35) p. 330 instances these, as well as the "Mother Carey" of sailor lore—"Mother Carey's chicken" being the European storm-petrel—and the Tudor period prophetess "Mother Shipton".
- ↑ Shahed, Syed Mohammad (1995). "A Common Nomenclature for Traditional Rhymes". Asian Folklore Studies. 54 (2): 307–314. doi:10.2307/1178946. JSTOR 1178946.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Saint-Regnier (1626). Les satyres de Saint-Regnier – ... Saint-Regnier – Google Books. Nakuha noong 14 Pebrero 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Labrosse, Guido de (21 Setyembre 2009). De la nature, vertu et utilité des plantes – Guido de Labrosse – Google Boeken. Nakuha noong 14 Pebrero 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pièces curieuses en suite de celles du Sieur de St. Germain – Google Boeken. 1644. Nakuha noong 14 Pebrero 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Real Personages of Mother Goose, Lothrop, Lee & Shepard Co., 1930, p.28
- ↑ Cullinan, Bernice; Person, Diane (2001). The Continuum Encyclopedia of Children's Literature. New York: Continuum. pp. 561. ISBN 978-0826415165.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parker, Jeanette; Begnaud, Lucy (2004). Developing Creative Leadership. Portsmouth, NH: Teacher Ideas Press. p. 76. ISBN 978-1563086311.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)