Charles Perrault
Charles Perrault | |
---|---|
Kapanganakan | 12 Enero 1628 Paris, Pransiya |
Kamatayan | 16 Mayo 1703 Paris, Pransiya | (edad 75)
Si Charles Perrault (12 Enero 1628 – 16 Mayo 1703) ay isang Pranses na may-akda at kasapi sa Académie française. Siya ang naglatag ng mga haligi o pundasyon para sa isang bagong henerong pampanitikan na kung tawagin ay mga kuwentong bibit. Ang kaniyang mga akda ay hinango mula sa dati nang umiiral na mga kuwentong-bayan. Ang pinakakilala sa kaniyang mga kuwento ay kinabibilangan ng Le Petit Chaperon rouge (Little Red Riding Hood), Cendrillon (Cinderella), Le Chat Botté (Puss in Boots) at La Barbe bleue (Bluebeard).[1] Marami sa mga salaysay ni Perrault ang muling isinulat ng Magkapatid na Grimm, at nagpatuloy na inililimbag at ginawang opera, ballet (katulad ng The Sleeping Beauty) ni Tchaikovsky, teatro, at pelikula (Disney). Si Perrault ay isang maimpluwensiyang tao sa pangyayaring pampanitikan noong ika-17 daantaon sa Pransiya, at naging pinuno ng pangkat na Moderno noong panahon ng Pag-aalitan ng mga Sinauna at ng mga Moderno.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Biography, Bibliography Naka-arkibo 2006-01-14 sa Wayback Machine. (nasa wikang Pranses)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.