Pumunta sa nilalaman

Inasnang karne

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang bagel na may nilalamang karne norte at mustasa
Inasnang isda na ibinebenta sa isang kalsada sa Hong Kong

Ang inasnang karne ay karne (o isda) na pinreserba o binuro ng asin. Naging karaniwang paraan ng pagpepreserba ng karne ang pag-aasin gamit ang asin o tasik hanggang sa gitna ng ika-20 siglo. Nawalan ito ng popularidad noong sumipot ang palamigan. Dati tinatawag itong junk (parang sa junk food)[1] o salt horse (inasnang kabayo) sa wikang Ingles.[2] Isang lumang paraan sa pag-aasin ng karne ay corning, o paglalagay ng malalaki't magagaspang na asin na ipinahid sa karne para hindi ito mabulok.[3] Nagmula ang katawagang ito sa Lumang Ingles at tumutukoy sa malalaking corn o butil ng asin na ginamit (tingnan ang wiktionary:corn).[4] Nananatili ito sa pangalan ng corned beef (karne norte sa Ingles), ngunit ibinabad na ito sa tasik ngayon.

Pinipigilan ng asin ang pagdami ng mga mikroorganismo sa pagpapalis ng tubig mula sa mga selula ng mikroorganismo sa pamamagitan ng osmosis. Kailangan 20% o higit pa ang konsentrasyon ng asin para maipatay ang karamihan ng mga espesye ng mga di-ninanais na bakterya. Ang pag-uusok, karaniwang ginagamit sa pagpepreserba ng karne, ay nagdaragdag ng mga kemikal sa ibabaw ng karne na nagbabawas sa kinakailangang konsentrasyon ng asin.

Ang inasnang karne at isda ay staple sa mga diyeta sa Hilagang Aprika, Timog Tsina, Scandinavia, baybayin ng Rusya, at sa Artiko. Naging staple rin ang inasnang karne sa diyeta ng mga marino noong Panahon ng Paglalayag. Nakaimbak ito sa mga bariles, at madalas na tumagal ng ilang buwan sa dagat. Binuo ang diyeta ng Royal Navy ng inasnang baka, inasnang baboy, ship's biscuit, at oatmeal, na dinagdagan ng kaunting gisantes, keso at mantikilya.[5] Kahit noong 1938, nakita ni Eric Newby na halos kabuuan ng diyeta sa barkong Moshulu ang inasnang karne. Dahil walang palamigan sa Moshulu, walang mapagpipilian kundi iyon noong naglayag ang barko ng higit sa 100 araw bago makarating sa daungan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Clarkson, Janet (2009-10-12). "The original junk food". The Old Foodie. Nakuha noong 2018-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hughes, Robert (1988). The Fatal Shore: The Epic of Australia's Founding. Vintage Books. ISBN 978-0394753669.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. United States Department of Agriculture. "What is corning?". ask.usda.gov. Nakuha noong 2021-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "corn | Origin and meaning of corn by Online Etymology Dictionary" [corn | Pinagmulan at kahulugan ng corn ng Online Etymology Dictionary]. www.etymonline.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Diet and Recipes" [Diyeta at Mga Resipi] (sa wikang Ingles). hmsrichmond.org. 2004-09-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-03. Nakuha noong 2018-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)