Irog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inday)
Jump to navigation Jump to search

Ang irog[1] o sinta[1] (Ingles: darling, beloved, dear; may kaugnayan sa affection, love[1]) ay isang salita o katawagang pantao na nagpapakita ng pagkakalapit ng kalooban o ng damdamin, at may haplos ng pagmamahal. Katumbas ito ng mga salitang giliw[1], mahal, paborito, mutya, inday, nene, neneng, sinisinta, iniirog, ginigiliw, minamahal. Mayroon din itong kaugnayan sa mga salitang maganda, kaakit-akit, kaaya-aya, at gustung-gusto.[2]

Sa Ingles, katumbas ang irog ng salitang darling, na mayroong pinagmulang Angglo-Sakson mula pa noong bago sumapit ang 900 AD, at hinango mula sa Gitnang Ingles na derling at sa Matandang Ingles na déorling. Binubuo ito ng salitang-ugat na "dear" at ng pandugtong o hulaping "-ling", isang diminutibong pang-Ingles.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


TaoPag-ibig Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pag-ibig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.