Indian Institute of Technology Bombay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Indian Institute of Technology Bombay (dindaaglat na IITB o IIT Bombay) ay isang pampublikong institusyon sa mas mataas na edukasyon na matatagpuan sa kapitbahayan ng Powai, sa lungsod ng Mumbai, India. Ito ay ang pangalawang pinakamatandang (kasunod ng Indian Institute of Technology Kharagpur) instituto ng Indian Institute of Technology system.[1]

Ang IIT Bombay ay itinatag noong 1958.[2] Noong 1961, inatas ng Parlamento ang pagdedeklara sa mga IIT bilang Institutes of National Importance. Inirekomenda ng isang makapangyarihang komite ng Pamahalaan ng India noong 1946 ang pagtatatag ng apat na instituto ng teknolohiya upang iset ang direksyon para sa pag-unlad ng mga teknikal na edukasyon sa bansa. Ang pagpaplano para sa isang instituto sa Mumbai ay nagsimula noong 1957 at ang unang batch ng mga 100 mag-aaral ay tinanggap noong 1958.[3] Simula nang maitatag ito sa Powai, ang instituto ay lalong pinalawak sa higit sa 584 pangunahing gusali na may isang pinagsamang erya na 2.396 gross square feet (550 acres o 2.22 km2).[4]

Ang IIT Bombay ay merong komprehensibong programang gradwado na nag-aalok ng digring doktoral doktor sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, Matematika, at Agham Panlipunan. Sa kasalukuyan, ang IIT Bombay ay may kabuuang 14 akademikong kagawaran, 6 sentro, 1 paaralan, at 3 programang interdisiplinaryo.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Technology Incubation & Development of Entrepreneurs (TIDE) in the areas of Electronics and ICT" (PDF). Ministry of Communications and Information Technology, Government of India. Hinango noong 3 Oktubre 2012.
  2. "How was IIT Bombay set up". IIT Bombay. Hinango noong 3 Oktubre 2012.
  3. "The Growth of an Institute for Higher Technological Education". IIT Bombay. Sininop mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2012. Hinango noong 3 Oktubre 2012.
  4. "Information Booklet" (PDF). IIT Bombay. Hinango noong 3 Oktubre 2012.