Pumunta sa nilalaman

Indian Institute of Technology Delhi

Mga koordinado: 28°32′37″N 77°11′35″E / 28.54358°N 77.19312°E / 28.54358; 77.19312
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Indian Institute of Technology Delhi (dinadaglat na IIT Delhi o IITD) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa distrito ng Hauz Khas sa lungsod ng Delhi, India.

Itinatag noong 1961, meron itong bisyon na mag-ambag sa India at sa mundo sa pamamagitan ng kahusayan sa edukasyong pang-agham at teknikal, at pananaliksik, upang maglingkod bilang isang mahalagang mapagkukunan ng mga industriya at ng lipunan. Pormal itong pinasinayaan noong Agosto 1961 sa pamamagitan ni Prop. Humayun Kabir, Ministro ng Pananaliksik sa Agham at Gawaing Kultural. Ang pagtanggap sa mga unang mag-aaral ay isinagawa noong 1961.[1] Ang kasalukuyang kampus ay may lawak na 320 akre (o 1.3 km²) at napapalibutan ng Sri Aurobindo Marg sa silangan, Jawaharlal Nehru University Complex sa kanluran, National Council of Educational Research and Training  sa timog, at New Ring Road sa hilaga. Nasa gilid niyo ang Qutub Minar at ang mga monumento ng Hauz Khas.

Ang Instituto ay idineklara bilang isa sa Institutes of National Importance sa ilalim ng Institutes of Technology Amendment Act, 1963.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "History of the Institute - Indian Institute of Technology Delhi". Iitd.ac.in. Nakuha noong 13 Nobyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

28°32′37″N 77°11′35″E / 28.54358°N 77.19312°E / 28.54358; 77.19312 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.