Indian Institute of Technology Guwahati

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kampus

Ang Indian Institute of Technology Guwahati (IIT Guwahati, IITG) ay isang pampublikong institusyon sa mas mataas na edukasyon na itinatag ng Gobyerno ng India, na matatagpuan sa Guwahati, sa estado ng Assam sa India. Ito ang ikaanim na Indian Institute of Technology (IIT) na itinatag sa bansa.

Ang IIT Guwahati ay opisyal na kinikilala bilang isang Institute of National Importance ng pamahalaan ng India.[1][2]

Ang kasaysayan ng IIT Guwahati ay mababakas sa 1985 Assam Accord[3] sa pagitan ng All Assam Students Union at ng pamahalaan ng India, na kung saan binabanggit ang pangkalahatang pagpapabuti sa mga pasilidad sa edukasyon sa Assam at ang partikular na pagtatatag ng isang IIT.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Institutes of National Importance". The Institute for Studies in Industrial Development (ISID). Hinango noong 2009-01-20.
  2. "Impact of IIT Guwahati on India's North East Region". The World Reporter. Hinango noong 2013-05-06.
  3. "An Interview with Professor Dhirendra Nath Burhagohain, Founder Director of IIT Guwahati". Gonit Sora. Hinango noong 2015-12-11.