Pumunta sa nilalaman

Inhenyeriyang porense

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang inhenyeriyang porense (sa Ingles: forensic engineering) ay binibigyang kahulugan bilang"ang imbestigasyon ng pagkabigo - mula sa kakayahang mapagsilbihan hanggang sa lubhang mapanirang kaganapan - na maaring magdulot ng legal na aktibidad, kabilang ang sibil at kriminal".[1] Kabilang ang imbestigasyon ng mga materyal, produkto, istraktura o mga bahagi na maaring mabigo o hindi gumana na naayon sa gamit nito, na magdudulot ng pansariling pinsala, kasarian sa pag-aari o ekonomikong pagkalugi. Maaring magbigay-daan ng pagkabigo ng aksyon sa ilalim ng batas kriminal o sibil subalit hindi limitado sa pagbabatas sa kalusugan at kaligtasan, ang mga batas ng kontrata at/o pananangutan ng produkto at tuwerto (ang nagawang kamalian o pinsala na nagawa ng walang ingat o sinadya). Tinatalakay din sa larangang ito ang pagbabakas ng mga proseso at pamamaraan na nagdudulot ng aksidente sa operasyon ng mga sasakyan o makina. Sa pangkalahatan, ang layunin ng imbestigasyon ng isang inhinyeriyang porense ay matunton ang sanhi (o mga sanhi) ng pagkabigo kasama ang isang pananaw na mapabuti ang paggana o pagbuti ng isang bahagi, o upang tulungan ang isangk orte na matukoy ang mga katunayan ng isang aksidente. Maari din na mayroon ang imbestigasyon ng pag-angkin sa pag-aaring intelektuwal, lalo na sa mga patente. Sa Estados Unidos, kailangang may lisensyang inhinyerong propesyunal ang mga inhinyerong porense mula sa bawat estado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Neale (Ed), B S (1999). Forensic Engineering - a professional approach to investigation (sa wikang Ingles). London: Thomas Telford. pp. i.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)