Pumunta sa nilalaman

Insiang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Insiang
Si Hilda Koronel na gumanap bilang Insiang
DirektorLino Brocka
PrinodyusRuby Tiong Tan
SumulatMario O'Hara
Lamberto E. Antonio
Itinatampok sinaHilda Koronel
Mona Lisa
MusikaMinda Azarcon
SinematograpiyaConrado Baltazar
In-edit niAugusto Salvador
TagapamahagiKorporasyong CineManila
Inilabas noong
1976
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ang Insiang ay isa sa mga namumukod-tanging pelikulang dramatiko noong 1976 sa direksiyon ni Lino Brocka, kung saan ipinamalas ang pambihirang ugnayan ng mag-ina, mag-amain, at magkasintahan sa madilim na pook ng kahirapan.

Ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na itinampok sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Cannes. Ito ay kuwento ng babaeng ginahasa ng kabit ng kaniyang ina na nagtulak sa kaniya upang maghiganti. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa pelikulang ito ay nakilala si Hilda Koronel bilang isa sa mga natatanging aktres ng pelikulang Pilipino.

Ang Insiang ay umani ng maraming karangalan sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Maynila noong 1976. Tinukoy ng mga kritiko ang kapangyarihan ng mga tauhan ni Lino Brocka na dalhin sa katahimikan ang isang kalabisan ng mga damdamin na may lalim at sidhi.[1]

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Hilda Koronel Insiang
Mona Lisa Tonya
Ruel Vernal Dado
Rez Cortez Bebot
Marlon Ramirez

Buod ng pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pag-uusap nina Insiang at Tonya habang nagmamanman si Dado

Si Insiang (Hilda Koronel) ay tanging anak ni Tonya (Mona Lisa), isang tindera sa palengke na iniwan ng kanyang asawa. Ang mag-ina ay nakatira sa dampa sa pook ng mga iskwater kasama ang mga parasitong kamag-anak ng asawa ni Tonya. Ang kasamang kabiyak sa labas ni Tonya ay si Dado (Ruel Vernal), isang butangero na umaakit din kay Insiang. Nagseselos si Tonya sa kanyang anak na babae. Nagsimulang magalit lalo si Insiang kina Tonya at Dado, nang hinadlang ni Dado si Bebot (Rez Cortez), ang kanyang kasintahan, mula sa pagsusulat ng liham sa kanya.

Ginagahasa ni Dado si Insiang, subali't pinapaniwalaan ni Tonya ang salaysay ni Dado na hinihibo siya ni Insiang. Nakiusap ang desperadong Insiang sa kanyang kasintahan na lumayo na siya sa kanya. Pagkatapos ang pagtatalik nila ni Bebot sa isang mumurahing motel, iniwan siya nito. Bumalik si Insiang sa kanyang ina na tinanggap siya nguni't binalaang iwasan niya ang "panghihibo" kay Dado. Na may paghihiganti sa isip, sumuko si Insiang sa mga digang pagtatalik ni Dado, at pinaikot-ikot ang isip niya sa paggugulpi kay Bebot sa isang tapunan ng mga basura. Samantala, lumaki lalo ang hinala ni Tonya sa kanyang anak at Dado. Isiniwalat ni Insiang ang kanyang kaugnayan kay Dado at pinatay ni Tonya si Dado.

Sa katapusan, dumalaw si Insiang kay Tonya sa bilangguan at humingi ng kapatawaran subali't tinanggap lamang ang mapait na kalamigan ni Tonya. Lumisan si Insiang na hindi lumingon kay Tonya, na pinagmamasdan nang lubos sa nakarehas na bintana ng kanyang kulungan, ang kanyang mukha ay puno ng kapitahan, pag-ibig at kapatawaran.[1]

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Mona Lisa
Nanomina
Pinakamahusay na Aktres
Hilda Koronel

Pinakamahusay na Direktor
Lino Brocka

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Ruel Vernal

Pinakamahusay na Pelikula
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Ruel Vernal
Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres
Hilda Koronel
Mona Lisa

Pinakamahusay na Direksiyon
Lino Brocka

Pinakamahusay na Editing
Augusto Salvador

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Mario O'Hara
Lamberto E. Antonio

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Fiel Zabat

Pinakamahusay na Sinematograpiya
Conrado Baltazar

Pinakamahusay na Pelikula

Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1976
Nanalo
Pinakamahusay na Aktres
Hilda Koronel

Pinakamahusay na Sinematograpiya
Conrado Baltazar

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Ruel Vernal

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Mona Lisa
  1. 1.0 1.1 M. Tajan, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 166

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Insiang sa Datobaseng Pelikula ng Internet
  • Database of Philippine Movies: Insiang
  • Sari-Saring Sineng Pinoy: Ano'ng Uring Babae Si INSIANG?
  • Reverse Shot: Insiang
  • kabayancentral.com: Insiang Naka-arkibo 2008-12-29 sa Wayback Machine.
  • Slant Magazine/Film: Insiang
  • Hernando, Mario A. (27 Hulyo 2011). "25 Most Memorable Films". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]