Pumunta sa nilalaman

Kainterdisiplinaryuhan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Interdisiplinarya)

Ang kainterdisiplinaryuhan (Ingles: interdisciplinarity o "pagiging may pakikipag-ugnayan sa iba pang mga disiplina") ay kinasasangkutan ng pagsasama ng dalawa o mahigit pang disiplinang pang-akademiya papaloob sa isang gawain (katulad ng isang proyektong pampananaliksik). Hinggil ito sa paglikha ng isang bagong bagay sa pamamagitan ng pagtawid sa mga hangganan, at pag-iisip sa pagtawid sa kahabaan ng mga ito. May kaugnayan ito sa isang interdisiplina o isang larangang interdisiplinaryo (larangang makainterdisiplina o "larangang may pakikipag-ugnayan o ugnayan sa iba pang mga larangan o disiplina"), na isang yunit na pang-organisasyon o pag-oorganisa na tumatawid sa mga hangganan na nasa pagitan ng mga disiplinang pang-akademiya o mga paaralan ng kaisipan, habang o kapag lumilitaw ang bagong mga pangangailangan o mga prupesyon (opisyo).

Noong una, ang katagang kainterdisiplinaryuhan ay ginagamit sa loob ng mga pedagohiya ng edukasyon at pagsasanay upang ilarawan ang mga pag-aaral na gumagamit ng mga paraan at mga kaisipan ng ilang nailunsad nang mga disiplina o tradisyunal na mga larangan ng pag-aaral. Kinasasangkutan ang kainterdisiplinaryuhan ng mga mananaliksik, mga mag-aaral, at mga guro na mayroong mga layunin na maiugnay at maisama ang ilang mga pang-akademiyang mga paaralan ng kaisipan, mga prupesyon, o mga teknolohiya - kapiling na ang kanilang kani-kaniyang mga pananaw - para sa paghanap ng isang pangkaraniwang mga gawain. Ang epidemiyolohiya ng AIDS o pag-init ng globo ay nangangailangan ng pag-unawa sa iba't ibang mga disiplina upang malitas ang napabayaang mga suliranin. Ang kainterdisiplinaryuhan ay magagamit kung saan ang paksa ay maramdamang napabayaan o pati na may kamalian sa pagkakatawan sa loob ng nakaugaliang kayarian na pangdisiplina ng mga institusyong pampananaliksik, halimbawa na sa mga araling pangkababaihan o etniko.

Ang pang-uring interdisiplinaryo ("pangpakikipag-ugnayan sa ibang mga disiplina") ay pinaka madalas na ginagamit sa mga larangang pang-edukasyon kapag ang mga mananaliksik mula sa dalawa o mahigit pang mga disiplina ay nagsasama-sama ng kanilang mga pagharap at binabago ang mga ito upang maging mas naaangkop nilang maharap ang problemang nilulutas.

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.