Intoleransya sa laktosa
Intoleransya sa laktosa | |
---|---|
lactose (disaccharide of β-D-galactose & β-D-glucose) is normally split by lactase. | |
Espesyalidad | Endokrinolohiya |
Ang Intoleransya sa laktosa, lactase deficiency o hypolactasia ang kawalang kakayahan sa isang tao na makapag-digest ng laktosa na isang asukal na matatagpuan sa gatas at mga produkto nito. Ang mga taong mayroon nito ay may kulang o walang lactase na isang enzyme na nagkakatalisa ng hydrolysis ng laktosa tungo sa glucose at galactose sa kanilang sistemang dihestibo. Ito ay maaaring magsanhi ng pamamaga ng tiyan, mga cramp, flatulence, pagtatae, nausea, borborygmi (maingay na tiyan) o pagsusuka[1] pagkatapos ng pagkonsumo ng isang tao ng malaking halaga ng laktosa. Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapakitang ang pag-inom ng gatas ng mga taong intolerante sa laktosa ay maaaring malaking sanhi ng inflammatory bowel disease.[2][3][4]
Ang karamihan ng mga mammal ay normal na tumitigil sa paglikha ng enzyme na lactase at nagiging intolerante sa laktosa pagkatapos ng pag-awat sa suso.
Samantalang ang ilang mga populasyon ng tao ay nag-ebolb ng lactase persistence kung saan ang produksiyon ng lactase ay nagpapatuloy hanggang sa pagtanda ng mga ito. Tinatayang ang 75% ng mga matatandang tao sa buong mundo ay may isang nabawasang paglikha ng lactase.[5] A
ng prekwensiya ng nabawasang gawaing paglikha ng lactase ay mula 5% sa hilagang Europa hanggang 71% sa Sicily hanggang sa 90% sa ilang mga bansang Aprikano at Asyano.[6] Ang distribusyong ito ay pinaniniwalaan ngayon ng mga siyentipiko na sanhi ng natural na seleksiyon na pumabor sa mga patuloy paglikha ng lactase sa mga kultura ng tao na ang produktong gatas ay pinagkukunan ng pagkain. [7] Ang patuloy na paglikha ng lactase ay sanhi ng mga independiyenteng nangyaring mutasyon sa ilang populasyon ng tao.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Lactose Intolerance". National Digestive Diseases Information Clearinghouse (NDDIC). NIDDK. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 25 Nobyembre 2011. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vesa TH, Marteau P, Korpela R (2000) Lactose intolerance. J Am Coll Nutr 19:165S–175S
- ↑ http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2886488/
- ↑ http://www.ncbi.nlm.nih.gov/m/pubmed/10453452/
- ↑ Pribila, BA; Hertzler, SR; Martin, BR; Weaver, CM; Savaiano, DA (2000). "Improved lactose digestion and intolerance among African-American adolescent girls fed a dairy-rich diet". Journal of the American Dietetic Association. 100 (5): 524–8, quiz 529–30. doi:10.1016/S0002-8223(00)00162-0. PMID 10812376. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-24. Nakuha noong 2009-02-03.
Approximately 75% of the world's population loses the ability to completely digest a physiological dose of lactose after infancy
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bulhões, A.C.; Goldani, H.A.S.; Oliveira, F.S.; Matte, U.S.; Mazzuca, R.B.; Silveira, T.R. (2007). "Correlation between lactose absorption and the C/T-13910 and G/A-22018 mutations of the lactase-phlorizin hydrolase (LCT) gene in adult-type hypolactasia". Brazilian Journal of Medical and Biological Research. 40 (11): 1441–6. doi:10.1590/S0100-879X2007001100004. PMID 17934640.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beja-Pereira A et al. Gene-culture coevolution between cattle milk protein genes and human lactase genes. Nat Genet 2003; 35: 311−313.
- ↑ Ingram CJ, Mulcare CA, Itan Y, Thomas MG, Swallow DM. 2009.Lactose digestion and the evolutionary genetics of lactase persistence. Hum Genet. 2009 Jan;124(6):579-91. Epub 2008 Nov 26.