Pumunta sa nilalaman

Irene Saunders

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Irene Saunders ay ang may-akda ng diksiyunaryong Ingles-Tsino na pinamagatang The Right Word in Chinese o Hànyǔ Zhǐnán (Ang Tamang Salita sa Tsino).[1]

Nagtapos si Saunders mula sa Pamantasan ng West Virginia na may karera sa kimika. Kasal siya kay Lynn C. Saunders, Bise-Presidente at Eksekyutib na Direktor ng Westing House Electric S.A. sa Republikang Popular ng Tsina. Ang Westing House ang gumastos para sa paglikha ng diksiyunaryo ni Irene Saunders.[1]

Pinakaunang diksiyunaryo na ginagamitan ng romanisasyong pinyin ng wikang putonghua (普通话) o Makabagong Pamantayan ng Tsino Mandarin (Modern-day Standard Mandarin Chinese) ang The Right Word in Chinese, at nalimbag noong 1985. Nagmula ang diksiyunaryo sa mga karanasan ni Saunders habang nagtatrabaho sa Tsina noong mayroon siyang limitadong kaalaman sa wikang Mandarin. Inambag ang nalikom na salapi mula sa pagbebenta ng diksiyunaryo sa China Wildlife Conservation Association (CWCA), lalo na para sa panda, isang hayop sa Tsina na nanganganib sa ekstinksiyon. Nang lumaon, naging basehan ang diksiyunaryo ng iba pang maraming makabagong diksiyunaryong Ingles-Tsino/Tsino-Ingles.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Saunders, Irene. The Right Word in Chinese, may 284 na mga dahon, ISBN 971-30-0340-3

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.