Iskalang Kinsey

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang Iskalang Kinsey, na tumutukoy sa antas ng oryentasyong seksuwal

Ang Iskalang Kinsey (Ingles: Kinsey scale), o tinatawag ding Iskalang Panukat ng Heteroseksuwal-Homoseksuwal (Heterosexual-Homosexual Rating Scale),[1] ay nagsusubok na tukuyin ang kasaysayang pang-seksuwal ng isang tao o ang gawaing seksuwal niya sa isang tiyak na panahon. Gumagamit ito ng iskala mula sa 0, na nangangahulugang ekslusibong heteroseksuwal, hanggang 6, na nangangahulugang homoseksuwal. Kasama rin dito ang isa pang baitang, na nakatala bilang "X", na ginagamit para matukoy ang aseksuwalidad.[2][3] Una itong inilimbag sa Sexual Behavior in the Human Male (1948) nina Alfred Kinsey, Wardell Pomeroy atbp, at pati na rin dagdag na lathain na Sexual Behavior in the Human Female (1953).[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Kinsey's Heterosexual-Homosexual Rating Scale". The Kinsey Institute. Hinango noong 8 September 2011.
  2. (Male volume, Table 141; Female volume, page 472)
  3. Mary Zeiss Stange, Carol K. Oyster, Jane E. Sloan (2011). Encyclopedia of Women in Today's World. Sage Pubns. p. 2016. ISBN 1-4129-7685-5, 9781412976855 Check |isbn= value: invalid character (tulong). Hinango noong December 17, 2011.CS1 maint: Uses authors parameter (link)

Mga kawing na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]