Iskandalong Pharmally
Itsura
Lugar | Pilipinas |
---|---|
Mga sangkot | Pharmally Pharmaceutical Corp. (company involved) Senate Blue Ribbon Committee (investigation) |
(Mga) inaresto | Linconn Ong Twinkle Dargani Mohit Dargani (all released) |
Ang pamahalaan ni Rodrigo Duterte ay nasangkot sa maanomalyang pagbibigay ng kontrata sa Pharmally Corportion sa pagbibigay ng mga supply na nauukol sa pandemyang COVID-19 sa Pilipinas na nagkakalagang 12 bilyong pisong kontrata sa sobrang taas na presyo. Hinirang ni Duterte ang nasyonal ng Tsina(hindi-Pilipino) na si Michael Yang bilang "Tagapayo ng Pangulo sa Ekonmiya" nong 2018. Si Yang ang nagpakilala ng maraming mga Tsinong suplayer ng COVID 19 upang mag-supply sa gobyerno ni Duterte.[1] Ang bilyon-bilyong pisong kontrata ay ibinigay sa apat na mga kompanyang Intsik na: [2]
- Xuzhou Construction Machinery Group para sa 250,000 piraso ng Personal Protective Equipment (PPE) sa halagang 1,785 kada piraso sa kabuuang halagang 446, 428, 571 piso.(446 milyong piso)
- Wen Hua Development Industrial Co Ltd. para sa 558,000 pirasong PPE sa halagang 1,767.46 sa halagang 1,039, 266, 489 piso. (1 bilyong piso) at para sa 800,000 piraso ng PPE sa halagang 1,768.30 kada piraso sa kabuuang halagang 1,373, 568,000 (1 bilyong piso)
- Chushen Company Ltd para sa 558,000 piraso ng PPE sa halagang 1,767.46 kada piraso sa halagang 1,039, 266,480 piso (1 bilyong piso)
- Shanghari Puheng Medical Equipment Co Ltd para sa 200,000 piraso ng PPE sa halagang 1,716.96 kada sa kabuuang 343, 392,000 (343 milyong piso)